Wednesday , June 17 2026
The BingoPlus Nigh 2026 Step Into the Next Plus

Kim Chiu emosyonal sa liham ng sekyu; Vice Ganda, Ely, Darren pagtatanghal pasabog 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAKABULUHAN ang isinagawang The BingoPlus Nigh 2026: Step Into the Next Plus kamakailan sa isang luxury hotel sa Pasay City.

Bukod sa bonggang entertainment show na dinaluhan ng ilan sa pinakamalaki at pinakasikat na public figure sa bansa tulad nina Vice Ganda, Kim Chiu, Julie Anne San Jose, Bamboo at ilang OPM icons, ipinagdiwang ng BingoPlus, pag-aari ng DigiPlus ang gabi sa pamamagitan ng pagbibigay ng malalaking papremyo sa tapat nitong playerbase at paglalahad ng mataas na humanitarian effort ng DigiPlus Foundation.

“It all started in 2022 when we revolutionized the market, self-regulated our business even before today’s standards were set in place, and became the industry drivers we are known to be today,” ani Jasper Vicencio, President of AB Leisure Exponent Inc..

For the rest of the year, we promise to turn ‘Step into the Next PLUS’ into a long-term work mantra, not just for this night.

DigiPlus today stands as a model for regulated and responsible gaming entertainment in the Philippines—a trusted partner of PAGCOR and the public. We were the standard then, and we will continue to b the standard for years to come,” dagdag pa ni Jasper.

Nagsilbing host noong gabing iyon na nakadagdag din saya sina Joy Barcoma, Rufa Mae Quinto, atMarkki Stroem.

Tampok sa event ang mga musical performance at isang espesyal na bahagi na  bumunot ng mga letter ang mga celebrity guest para tuparin ang kanilang mga kahilingan.

Isa sa mga bumunot sa napakaraming request letter si Kim na nakuha ang sulat ng isang security guard na nagpapalaki ng tatlong anak—isang may sakit sa puso, isang may diabetes, at isang may autism. 

Hiling ng ama ang isang e-bike para makapagtrabaho bilang part-time delivery rider at masuportahan ang kanyang pamilya.

Habang binabasa ni Kim ang sulat, naging emosyonal ito kaya si Joy na lamang ang nagpatuloy ng pagbabasa. 

Ani Kim, hindi niya kayang tapusin ang pagbabasa dahil naiiyak siya.

Kalaunan ay bumunot muli ang aktres ng isa pang liham na humihiling naman  ng laptop ang sumullat para sa kanyang nakababatang kapatid na isang IT student na kailangan para sa pag-aaral.

Bago ito’y sinimulan ang programa ng isang lively performance ni Darren Espanto mula sa napakagandang pagkakakanta niya ng The Greatest Show gayundin ang Ako Na Ang Bahala mula naman sa kanyang latest album.

Cute at nakatutuwa naman ang version ni Kim sa Opalite song ni Taylor Swift at Man I Need ni Olivia Dean.  

Well applauded ang performance ng rock icon na si Bamboo sa kanyang mga awiting Himala, Hallelujah, at Umagang Kay Ganda.

Hinangaan naman namin ang pagka-propesyonal ni Julie Anne na bagamat namamalat todo-bigay pa rin sa pag-awit ng Fix You ng Coldplay Rise Up ni Andra Day, at The Climb ni Miley Cyrus. Nairaos niya ang pagbirit sa matataas na nota ng mga kanta.

Bumunot din si Julie Anne ng dalawang liham mula sa mga indibidwal na matutulungan ng DigiPlus Foundation.

Sunod na nagtanghal si Yeng Constantino ng A Million Dreams mula sa The Greatest Showman, kasama ang kanyang mga hit na Ikaw at Salamat. 

Nakiisa rin si Weng sa wish-granting segment sa pamamagitan ng pagbunot ng dalawang letter sender.

Pinaindak ni Anthony Jennings ang crowd sa kanyang performances ng Awitin Mo at Isasayaw Ko ng VST & Company at Manila ng Hotdog.

Kakaiba rin ang performance ni Nina na naghatid  ng nostalgia sa mga tagahanga dahil sa kanyang mga kanta mula sa kanyang hit album na Nina Live!. Ilan sa mga kinanta niya ang Piano in the Dark, Someday, at Love Moves in Mysterious Ways.

Bgamat lumalalim na ang gabi, hindii iyon alintana ng mga dumalo sa naturang event lalo’t nagpakitang gilas sa kanilang mga awitin ang Parokya ni Edgar. Kinanta nila ang Para Sa ’Yo, Buloy, Pangarap Lang Kita, at Bagsakan.

Kasunod nito ang performance ni Vice Ganda na isa ring pasabog. Inawit niya ang I Say a Little Prayerni Aretha Franklin at I Wanna Dance with Somebody ni Whitney Houston.

Finale number ang dating soloista ng Eraserheads, si Ely Buendia na kinanta ang  Alapaap, Ligaya, Magasin, With a Smile,  at Ang Huling El Bimbo.   

Sa naganap na BingoPlus Night 2026: Step into the Next Plus isang katiyakan ang naganap, kasama sila sa napakalaking charitable undertaking. Kamakailan ay naglunsad din ang DigiPlus Foundation ng sariling Charity tab sa BingoPlus app, na ang mga user ay maaaring aktibong subaybayan ang lahat ng mga ipinaglalaban na layunin ng kompanya.

Bukod sa pare-pareho at patuloy na pagsusumikap ng komunidad, ang DigiPlus Foundation, kasama ang BingoPlus, ay nagbigay din ng P1-B sa susunod na tatlong taon para sa iba’t ibang misyon nito na nakasentro sa kalusugan, edukasyon, at katatagan.

Bukod sa bonggang programa namigay din ang BingoPlus ng mga iPhone, luxury bag, hotel at travel packages, at isang BMW X1. Nangako rin ang BingoPlus sa Step into the Next PLUS na magpapatuloy sa maraming pagkakataon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …