MATABIL
ni John Fontanilla
GRABENG preparasyon ang ginagawa ng Kapuso aktres na si Jillian Ward para sa kanyang kauna-unahang biggest concert ngayong taon.
Hindi na lang husay sa pag-arte ang ipakikita ng Kapuso Drama Princesa na si Jillian, dahil this time ang husay niya sa pagkanta at pagpe-perform ang ipakikita sa kanyang Jillian, Star of the New Gen concert.
Inaabangan nga ng mga tagahanga ni Jillian kung sino-sino ang espesyal na panauhin nito sa kanyang concert at kung magiging guest ang kanyang mga nakaparehang sina David Licauco, Will Ashley, Michael Sager, Jeff Moses, Raheel Bhyria atbp..
Magaganap ang inaabangang major concert ni Jillian sa July 31, 2026 sa the New Frontier Theater, Cubao, Quezon City na hatid StageNova Ent at Sparkle GMA Artist Center.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com