Saturday , June 20 2026
Rabin Angeles Angela Muji

Rabin at Angela muling kababaliwan sa Dating Alys Perez

NAGBABALIK ang tambalang kinabaliwan ng karamihan—sina Drake Palma at Alys Perez na matutunghayan sa panibagong yugto ng kanilang buhay, ang Dating Alys Perez na mapapanood na simula June 12 exclusive sa Viva One.

Muli ngang matutunghayan sina Rabin Angeles at Angela Muji para gampanan ang papel ng misteryoso ngunit grabe magmahal na si Drake Palma at ang sweet pero palaban na si Alys Perez.

Mula sa Wattpad story na umani ng milyon-milyong views, hanggang sa naging patok at pinag-usapang series adaptation, magpapatuloy ang kuwento ng roller coaster na pag-ibig sa Seducing Drake Palma series.

Samantala, si Zeke Polina na ang magiging knight-in-shining armor ni Alys o si Tripp Palma. Si Zeke ay unang nakilala sa pagganap bilang Ace “Supremo” Craige sa isa pang series ng Viva One na Hell University. Ngayon, siya naman ang gaganap bilang Tripp Palma, ang karakter na orihinal na ginampanan ni Dylan Menor na hindi na muling mapapanood sa serye.

Magsisimula ang Dating Alys Perez apat na taon matapos maka-graduate si Alys sa Brenford.  Sa paglipas ng panahon, buo na ulit ang kanyang puso at naghilom na sa sakit na dulot ng pagmamahal kay Drake Palma. Masaya na muli ang dalaga sa piling ng taong mahal niya, at minamahal din siya ng tapat, ang kanyang boyfriend na si Tripp.

Pero sa isang iglap, babalik ang lahat – ang mga alaala, ang sakit, maging ang pagmamahal na matagal nang ibinaon sa limot dahil sa muling pagdating ni Drake.

Gagawin ni Drake ang lahat upang muling makuha ang pag-ibig ni Alys. At tulad ng dati, muling iinit ang tensyon kina Drake at Tripp dahil sa pag-ibig nila para sa iisang babae.

Hango sa kuwento ni Ariesa Domingo, o mas kilala bilang Beeyotch, at mula sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino, muling subaybayan ang mga karakter na minahal  na maghahatid ng panibagong kilig at drama.

Tiyak na mas exciting at paniguradong aabangan ang bagong kabanata sa Drake Palma Series. Abangan ang Dating Alys Perez, simula June 12, with fresh episode every Friday exclusive sa Viva One! (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …