Saturday , June 20 2026
Rhen Escaño Joseph Marco

Joseph at Rhen komportable sa paglalambingan

ni Allan Sancon

USAP-USAPAN ngayon ang matinding chemistry nina Joseph Marco at Rhen Escaño matapos lalong uminit ang tambalan nila sa hit Viva One series na My Husband is a Mafia Boss.

Habang patuloy na namamayagpag bilang number 1 series sa streaming platform, hindi rin mapigilan ng fans na kiligin sa tila totoong closeness ng dalawa kahit sa likod ng kamera.

Marami tuloy ang nagtatanong: reel lang ba talaga o may namumuong espesyal sa dalawa?

Sa isang panayam tungkol sa nalalapit na mid-season ng serye, inamin mismo ni Joseph na mas lalong lumalalim ang samahan nila ni Rhen habang tumatagal ang pagsasama sa trabaho. 

Habang mas nakikilala ko si Rhen, mas nade-develop kami sa isa’t isa. Mas nagiging comfortable kami habang nagtatrabaho,” diretsahang pahayag ng aktor na lalong nagpa-react sa kanilang fans. 

Dahil dito, mas umugong ang espekulasyon na baka hindi lang acting ang nakikitang sweetness ng dalawa onscreen.

Pero agad ding nilinaw ni Joseph na mas pinangangalagaan nila ang magandang working relationship para mapanatili ang epektibong chemistry sa serye. 

Importante sa amin na maalagaan ‘yung working relationship kasi malaking tulong talaga ‘yun sa chemistry naming dalawa,” dagdag pa niya. 

Gayunman, hindi napigilan ng netizens na mapansin ang natural na lambingan at pagiging komportable nila sa isa’t isa sa mga behind-the-scenes clips at interviews.

Hindi rin nagpahuli si Rhen sa pagbibigay ng nakakikilig na pahayag tungkol sa kanilang tambalan. 

Ayon sa aktres, walang plastikan sa closeness nila ni Joseph. “What you see is what you get. Kung nakikita nilang masaya kami together, kasi totoong nae-enjoy namin ang isa’t isa bilang magka-team up.”

Para sa maraming fans, tila may lalim ang sinabi ng aktres dahil kitang-kita raw kung gaano sila ka-relaxe at kasaya kapag magkasama.

Bukod sa nakakikilig na tambalan, mas iinit pa ang mga susunod na episodes ng My Husband is a Mafia Boss.

Sa mid-season ng serye, mas mabubunyag ang madilim na buhay ni Zeke bilang mafia boss habang malalagay naman sa panganib si Aemie matapos siyang targetin ng karibal na Yaji Mafia group. Mas magiging intense rin ang emosyon, rebelasyon, at mga eksenang tiyak magpapakapit sa viewers gabi-gabi.

Dahil sa walang humpay na suporta ng fans, nadagdagan pa ng dalawang episodes ang serye mula 18 ay naging 20 episodes. Patunay lamang ito na talagang tinangkilik ng publiko ang kuwento nina Zeke at Aemie—at siyempre, ang tambalang Joseph at Rhen na ngayon pa lang ay isa na sa pinaka-pinag-uusapang love team online.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …