I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKATUTUWANG sa pagbisita ng foreign actress na nakilala bilang si Linda Walker ay magpapalaganap sa kahalagahan ng edukasyon.
Dadalhin ng FCCCI o Fil-Chinese Chamber of Commerce and Industry ang Chinese actress na si Zhang Yingfei na naging viral sa micro drama na The Heiress Who Won with Brains na naging phenomenon ang lead character niyang Linda Walker.
Darating si Linda sa bansa sa June 8 to 11 2026 para i-promote ang advocacy niyang Education is a Better Future.
Lilibot si Linda sa ilang schools sa Manila at Quezon City gayundin sa Binondo at may outreach programs siyang isasagawa with the assistance of FFCCII led by its president Victor Lim. Mabuti pa ang isang Linda na nagpapalaganap ng kahalagahan ng edukasyon sa bansa! Fictional character si Linda na naging symbol of hope!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com