Saturday , June 20 2026
Pooh Charo Cordial Maddox Jewelry

Pooh naloko ng P7-M

I-FLEX
ni Jun Nardo

HALOS pagsakluban ng langit at lupa ang komedyanteng si Pooh nang matuklasang ang ilang vintage niyang singsing eh hindi pala P7-M ang halaga.

Eh isa pala si Pooh sa regular viewer kapag may live selling si Charo Cordial ng Maddox Jewelry. Pero hindi napapansin si Pooh na nagma-mine.

Kaya naman pumunta ang komedyante sa showroom ng Maddox sa  Marikina City. Dinala rin niyan ang alahas para ipasuri.

Laking gulat ni Pooh nang sabihin sa kanya ni Charo na hindi umabot sa P7-M ang halaga ng investment niya sa mga ito.

Ayon kay Miss Charo, after dumaaan sa tester ang singsing, silver plating lang at hindi gold ang mga batong inakala niyang diamante. Zirconia lang umano at hindi tunay na diamonds.

Nanlumo si Pooh lalo na’t mula sa isang kaibigan ang pinag-ipunang singsing.

Baka hindi ko alam ang nagawa ko, P7-M? Tapos ang tagal lang na natulog doon sa bahay kasi hindi naman ako pala-alahas!” sabi ni Pooh nang makachikahan ni Charo sa You Tube, Facebook at Tiktok ng Maddo_Jewelry.

Marami pang chika si Pooh tungkol sa lovelife at career kay Ms. Charo at marami rin kayong malalaman tungkol sa legit na alahas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …