MATABIL
ni John Fontanilla
THANKFUL ang teen singer na si Mia Japson sa parangal ng 11th Inding Indie Excellence Awards noong May 24, 2026 sa Camelot Hotel.
Ginawaran si Mia ng Inding Indie Gawad Malasakit sa Lipunan: Youth Empowerment Music Advocate of the Year award.
Ayon kay Mia, “Sobrang nakatataba po ‘yung karangalang ibinigay sa akin ng 11th Inding Indie Excellence Awards.
“Babaunin ko po siyang inspirasyon para mas galingan ko pa ang aking trabaho bilang mang aawit.
“At para na rin po maging maganda akong ehemplo at maging inspirasyon sa ibang kabataan.”
Sa ngayon ay busy si Mia sa promotion ng kanyang mga awitin na mapakikingan at mada-download sa lahat ng streaming app.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com