Saturday , June 20 2026
Joseph Marco Rhen Escaño

My Husband is a Mafia Boss nina Rhen at Joseph number 1 sa Viva One!

MATABIL
ni John Fontanilla

NASORPRESA sina Joseph Marco at Rhen Escaño nang makarating sa numero uno ang kanilang  Viva One series na My Husband is a Mafia Boss na mula sa panulat ng yumaong Diana Marie Maranan(a.k.a. Yanalovesyouu), at idinirehe ni Fifth Solomon.

Ayon kay Joseph, “Dito ko napatunayan na iba pala ang nagagawa kapag willing ang ibang tao na mag-teamwork talaga.

“I’ve been in the industry for almost 20 years and doon ko masasabi na kahit may mga team-up ka, there’s always a silent competition.

“But when a relationship and the team-up is so healthy, you guys are so powerful, I feel like you can do anything.”

Nagpasalamat din ang aktor sa kanyang kapartner sa My Husband is a Mafia Boss.

Thank you, alam kong bilang isang babae, hindi madaling mag-open up.

“Lalong-lalo na, alam mo naman dito sa industry natin.

“So, I’m just really thankful and grateful noong ikaw ang naging partner ko rito.

“Like what you said, alam kong hindi ko magagawa ’yong mga bagay na nagawa ko rito kung hindi rin dahil sa tulong mo.

“Salamat sa pag-aasikaso mo sa akin, salamat sa times na gina-guide mo ako, pinu-push mo ako.”

At sa pagapapatuloy ng numero unong Viva One series na My Husband is a Mafia Boss ay napakarami pang dapat abangan kina Zeke at Aemie. 

Kaya naman ‘wag pahuhuli at tutukan na at panoorin sa Viva One ang My Husband is a Mafia Boss.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …