Saturday , June 20 2026
SPEEd Taking Care of Our Own, Speed Cares Outreach Program

Mga beteranong journo bida sa Taking Care of Our Own ng SPEEd 

SA gitna ng mga kaguluhan, pangamba, at pag-aalala para sa hinaharap ng ating bansa, maghahatid pa rin ng pag-asa, tuwa at positibong pananaw ang grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) sa mga kasamahan sa pamamahayag na ang ilan ay mga senior citizen na at hindi na aktibo.

“Ngayong nasa ika-10 taon na ang patuloy na pamamayagpag ng SPEEd, napili naming magbahagi ng kasiyahan — katuwang ang aming mga kaagapay sa pagtulong — sa 13 benepisyaryo ng aming ‘Taking Care of Our Own, Speed Cares’ Outreach Program na mabibiyayaan ng financial at medical assistance.

“Ang inisyatibo ay naglalayong magdala ng pag-asa at inspirasyon sa mga kasamahan natin sa entertainment journalism sa gitna ng lumalaking pag-aalala ng publiko tungkol sa kinabukasan ng bansa. 

“Bilang isang organisasyon, naniniwala kami na mahalagang pangalagaan ang mga kaibigan at kasamahan na tumulong sa paghubog ng industriya sa pamamagitan ng kanilang trabaho bilang mga manunulat at editor,” anang pangulo ng SPEEd at Lifestyle at Entertainment editor ng Manila Times na si Tessa Mauricio-Arriola.

“Ang mga benepisyaryo ay pinili bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa industriya ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas at ang kanilang papel sa pagtulong sa mga lokal na artista upang makagawa ng pangalan at magtagumpay sa kanilang karera,” dagdag pa ni Arriola.

Sa pangunguna ng mga opisyales at miyembro ng SPEED, gaganapin ang Taking Care of Our Own, Speed Cares Outreach Program sa Mayo 30, 2026 sa isang restoran sa Quezon City.

Buong-puso ang pasasalamat ng SPEEd sa mga bukas ang pusong makibahagi sa adhikain ito. Kabilang dito ang Unilab sa pangunguna ni Ms. Claire Papa; Ms. Heart EvangelistaGlobe sa pangunguna ni Ms. Yolly Crisanto, Rosbel Bunag ng PLDT Home, Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, GMA Network; Ms. Gigi Santiago Lara, Vice-President of Musical, Variety, Specials and Alternative Productions, GMA Network, Inc.; ABS-CBN; QC Councilor Alfred VargasWilson Flores ng Kamuning Bakery, at sa aming kasamahang si Jun Lalin na bukas-palad sa pagbibigay, sa singer na si Andrea Gutierrez at sa kanyang inang si Rowena Gutierrez; at sa Pascual Laboratories sa pamamagitan ni Ms. Marianne De Vera, Purple Hearts, Purple Hearts Foundation, at MCD Multi Media Inc.

Ang taunang outreach program ay bahagi ng gawaing pagkakawanggawa ng grupo at nakarating na ito sa iba’t ibang komunidad mula nang ito ay mabuo. 

Minarkahan ng SPEEd ang unang anibersaryo nito sa pamamagitan ng outreach program sa Anawim Home for the Abandoned and Rejected Elderly sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal. 

Sa mga sumunod na taon, nagpaabot ito ng tulong sa mga komunidad sa Nueva Ecija, Aurora, at Longos, Kalayaan, Laguna noong 2025.

Noong 2024, binisita nito ang Bethany House Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto, Bulacan, at Emmaus House of Apostolate sa Malolos, Bulacan, na nagbigay ito ng tulong sa 60 senior citizens.

Ang SPEEd ay isang non-profit organization na binubuo ng mga patnugot mula sa iba’t ibang pahayagan at online platforms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …