Saturday , June 20 2026
Joseph Marco Rhen Escaño

My Husband is a Mafia Boss nina Marco at Rhen No 1, Dalawang episodes idinagdag

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALANG humpay na kilig ang dala nina Joseph Marco at Rhen Escaño sa kanilang pagganap bilang Zeke Roswell at Aemie Romero sa My Husband is a Mafia Boss, kaya naman sa kasalukuyan, number #1 ang seryeng ito sa Viva One.

 Sa nakalipas na mga linggo, sinundan ng mga manonood ang hindi inaasahang pag-iibigan ng multi-billionaire na CEO/engineer na si Zeke at ang clumsy ngunit lovable na college student na si Aemie.

Ang mukhang anghel na tingin ni Aemie kay Zeke noong una ay hindi nagtagal nang naranasan ang kasupladuhan. Kilala sa pagiging mainipin, strikto at malupit, si Zeke ay walang pamilya at kaibigan. Upang matiyak na hindi rin mawawala ang kanyang mana mula sa yumaong ama, kailangan niyang mag-asawa nang mabilis. At si Aemie ang napili niyang pakasalan.

Idinirehe ni Fifth Solomon (Lasting Moments, My Sassy Girl), ang Wattpad adaptation na ito na mula sa panulat ng yumaong si Diana Marie Maranan (a.k.a. Yanalovesyouu), ay nagsimula noong April 11, 2026.

Ang unang anim na episode ay nagpasaya sa mga tagahanga dahil sa matinding chemistry nina Marco at Rhen, mga kilig moments, at tawanan—lalo na sa comedic timing ng aktres. Ipinakita sa teaser ng episode 7 ang nakatatawang pag-upo ni Aemie bilang acting CEO ng Roswell Corporation, at ang pagpapakilala sa maraming bagong karakter.

Marami pang dapat abangan sa nalalapit na mid-season ng serye. Unang sorpresa: hindi na lang 18, kundi 20 episodes na ang My Husband is a Mafia Boss. Dalawang episodes ang idinagdag para lalong ma-enjoy ang love story nina Zeke at Aemie.

Sa mid-season, ang pagiging mafia ni Zeke ay magkakaroon ng mas malaking papel sa kanilang kuwento. Gagawing target ng karibal na Yaji Mafia group si Aemie.

Alam ng mga fans ng Wattpad series na hindi lang si Zeke ang may madilim na sikreto. Si Alyana ay may nakaraan na hindi lamang yayanig ng kasalukuyan ni Aemie kundi pati na rin ang kinabukasan kasama si Zeke.

Walang katapusang rebelasyon, hamon, at desisyon ang haharapin nina Zeke at Aemie. Kaya huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo. I-stream ang My Husband is a Mafia Boss, eksklusibo sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …