Saturday , June 20 2026
Zhang Yingfei Linda Walker

Chinese star Zhang Yingfei aka Linda Walker bibisita sa Pilipinas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INIHAYAG kahapon ng Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) ang pagbisita sa Pilipinas ng Chinese actress na si Zhang Yingfei o mas kilala bilang Linda Walker.

Si Linda Walker ay karakter na sumikat o nakilala sa viral vertical drama o micro-drama na The Heiress Who Won with Brains.

Darating ng ‘Pinas si Zhang Yingfei, 22, sa Hunyo 8, 2026 para suportahan at i-promote ang makabuluhang adbokasiya kasama ang FFCCCII, ang Education for a Better Future.

Ang pagdating ni Linda Walker ay saktong-sakto sa pagbubukas ng klase nationwide sa June 8, na sumisimbolo sa kahalagahan ng edukasyon, disiplina, tiyaga at pag-asa sa mga kabataang Filipino.

Inaasahang dudumugin ng mga estudyante, guro, vloggers, social media influencers, at fans ng Asian entertainment ang pagbisita ng aktres. 

Ang “Linda Walker” micro-drama series ay naging sobrang viral sa Pilipinas dahil sa localized Tagalog AI-dubbed clips na kumalat sa TikTok, Facebook, YouTube, at iba’t ibang short-video platforms.

Maraming Pinoy ang nagkaroon ng inspirasyon sa kuwento ng isang simpleng babae na nakaahon sa hirap gamit ang talino, sipag, tapang, at edukasyon. Dahil dito, umulan ng memes, reaction videos, motivational posts, at online discussions sa karakter ni Linda Walker.

Maging ang lang sikat na celebrities tulad nina Vice Ganda, Angeline Quinto, beauty queen Rabiya Mateo,  at influencers ay napa-react at napag-usapan ang viral na “Linda Walker” phenomenon!

Sa June 8, 2026, Lunes, 9:00 a.m. bibisita si Zhang Yingfei kay Manila Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall. Pagkatapos, dadalhin siya ng FFCCCII sa makasaysayang Intramuros at sa Binondo district, ang 432-year-old Chinatown na kinikilalang pinakamatanda sa buong mundo. 

Layunin ng FFCCCII na makatulong sa promosyon ng Philippine tourism.

Isa sa pinakaabangang bahagi ng kanyang pagbisita ay ang outreach program sa June 9, 2026, 10:00 a.m.  sa 79-year-old Quezon City High School, isa sa pinakamatanda at pinaka-respetadong public high school sa Metro Manila.

Makakasama sa event sina Education Secretary Sonny Angara, China Ambassador Jing Quan, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at mga opisyal ng FFCCCII sa pangunguna ni President Victor Lim.

Sa pagbisita ni Zhang Yingfei at FFCCCII magbibigay sila ng school supplies at regalo para sa mga estudyante tulad ng notebooks, ballpens, toothpaste, sabon, at iba pang mahahalagang gamit sa eskuwela. 

Inaasahan ding magbibigay ng inspirational message ang aktres para hikayatin ang kabataang Filipino na “mag-aral ng mabuti, mangarap ng malaki, at huwag susuko sa anumang pagsubok.”

Ayon sa organizers, umaasa si Zhang Yingfei na mas mapapalalim pa ang pagkakaibigan, educational exchanges, at cultural understanding ng mga Filipino at Chinese.

Matagal nang aktibo ang FFCCCII sa iba’t ibang socio-economic, educational, at civic causes. Kabilang dito ang pagpapatayo ng 6,500 rural public school buildings sa buong bansa sa ilalim ng Operation Barrio Schools project, calamity relief operations, medical missions, at suporta sa Filipino Chinese fire volunteer brigades nationwide.

Sa panahon ngayon na mabilis mawala ang online trends, kakaiba ang impact ng kuwento ni “Linda Walker” dahil itinatampok nito ang mahahalagang values tulad ng edukasyon, integridad, tiyaga, sakripisyo ng pamilya, at paniniwalang kayang manaig ng talino at mabuting pagkatao laban sa hirap at pribilehiyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …