Saturday , June 20 2026
Alfred Vargas Yasmine Vargas Swimming

Sa pagbasura ng reklamo laban kina Rob at Jovelle
ALFRED VARGAS TULOY PA RIN ANG LABAN  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI pa tapos ang laban. Ito ang pinanindigan ni  Quezon City Councilor Alfred Vargasmatapos ibasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang Child Abuse Complaint na isinampa nila laban kina Rob Sy at partner nitong si Jovelle kaugnay ng pambu-bully umano sa kanilang anak.

Abril 13, 2026 nang maghain ang mag-asawang Alfred at Yasmine ng reklamo para sa umano’y violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Hindi ito pinaboran ng Office of the Prosecutor ng Maynila. 

Batay sa resolusyong inilabas ng piskalya na ipinost ni Rob sa kanyang Facebook account noong May 27, 2026,  walang sapat na ebidensiyang naipakita ang kampo ni Vargas na may pananagutan si Sy at asawa nito sa inirereklamong insidente sa kani-kanilang anak.

Kaagad naming hiningan ng statement si Alfred ukol sa resolusyong ito. Aniya, wala pa silang kopyang natatanggap ukol sa resolusyon.

Kasunod nito, naglabas ng official statement si Alfred na tiniyak na itutuloy nila ang laban sa lahat ng legal na paraan.

We have been informed about the decision of the prosecutor. While we have yet to receive the official decision, we say with certainty that we respect the law and due process and we will continue to do so regardless of the outcome,” ayon sa inilabas na statement ni Konsehal Alfred na ipinost sa kanyang Facebook page.

“In the same light, due process allows us to seek legal remedies. We will exert all available legal avenues to pursue justice for our child. 

“Hindi pa po dito nagtatapos ang laban. Thank you for all your prayers.”

Nauna rito, naglabas din ng pahayag ang kampo ni Rob sa pagkakabasura ng kaso laban sa kanila.

Aniya, “Sa sampung (10) pahinang resolusyon, nakita ng Manila City Prosecutor’s Office na walang sapat na ebidensya o prima facie case para kami ay makasuhan ng criminal, lalo na para magpakita ng anumang reasonable certainty of conviction sa korte. 

“Hindi po bully ang aming anak at sinisiguro po namin na siya ay aming pinapalaki nang maayos, at kung nagkakamali ay aming itinatama at dinidisiplina. 

“Gaya ng maayos na pagpapalaki sa amin ng aming mga magulang, hangad din namin na mapalaki nang tama ang aming anak.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …