Saturday , June 10 2023
Ping Lacson Raffy Tulfo

Idol Raffy bilib sa pagiging matinong lider ni Ping

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

Itinago ni Senatorial aspirant Idol Raffy Tulfo ang sobrang bilib sa husay at pagiging matinong lider ni presidential candidate Senator Ping Lacson.

Naikuwento ito ni Idol Raffy sa kanyang Facebook at Tiktok account kung papaano niya nakita kung gaano katinong opisyal si Lacson, lalo noong naging hepe ito ng pulisya noong 1991 hanggang 2001.

Sa isang pagtitipon kamakailan sa mga tsuper at lider ng transport group at mga lokal na opisyal sa Tanza, Cavite, ikinuwento rin ni idol Raffy na nagsisimula pa lang siya sa kanyang public service career bilang brodkaster nang maglabas ng ultimatum si Lacson sa mga pulis na isauli ang lahat ng carnap vehicles na ginagamit nila.

Matapos ang ultimatum, napuno ng mga sasakyan ang Camp Crame. Roon nakita ni Idol Raffy na mataas ang pagrespeto ng mga pulis kay Ping. Bukod doon, ginagawa ni Ping ang kanyang sinasabi.

Bukod sa pagsasauli ng mga carnap na sasakyan, tumatak din kay Idol Raffy ang ”no kotong” at ”no take” policy ni Ping na malaking pakinabang ng mga nasa transport group na madalas mabiktima ng mga ”buwaya” sa kalye.

Kaya nang alukin siya nina Lacson at vice presidential aspirant Tito Sotto, na maging kandidatong senador ng kanilang tambalan, hindi nagdalawang-isip si Idol Raffy at pumayag agad.

Kilalang galit sa korapsiyon at mga abusado si Lacson, ano kaya ang mangyayari kapag siya ang nanalo sa May 2022 elections at naging presidente? Malamang malulungkot ang mga korap.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Philippines money

Maharlika Investment Fund bill pinare-recall ni Pimentel

HINILING ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-recall sa Maharlika Investment …

Angelica Jones

Angelica relate sa role sa Tadhana’s “reunion”; balik-eskuwela

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Pambubully at paghihiganti ang pinag-uusapang kuwento sa pagbabalik-telebisyon ng politician/actress …

Michelle Lusung Rhea Tan Carlo Aquino Beautederm Sm North EDSA

Michelle Lusung tiwala sa Beautederm at kay Ms. Rhea Tan, thankful sa 4th branch sa SM North EDSA

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LAST week ay binuksan ang fourth Beautederm store ng husband …

Alan Peter Cayetano

Sa usaping e-governance
GOBYERNO, TAGALUTAS NG PROBLEMA — CAYETANO

DAPAT  maging tagalutas ng problema ang gobyerno. Ito ang paalala ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano …

Money Bagman

Pinal na kopya ng Maharlika Investnment Fund Bill isusumite ngayong Linggo sa Palasyo

NAIS ng Senado na maisumite sa palasyo ng Malakanyang ngayong linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill. Ayon …