SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HUMANDA na sina Jessica Soho, Liza Soberano, Joshua Garcia, at Kara David dahil sila ang mga napiling indibidwal ng apat sa 24 contestant ng Mister at Miss Lipa Tourism 2025 para imbitahang mamasyal sa Lipa, Batangas.
Sa isinagawang press conference noong June 2 sa Barako Hall, Jet Hotel rumampa ang 25 contestant mula sa iba’t ibang barangay ng Lipa City na sa kanila pipili para maging tourism ambassadors.
Ang Mister at Miss Lipa Tourism 2025 ay pinamumunuan ni Lipa City Councilor Venice Manalo kasama sina Lipa City Tourism Council President Joel Umali Pena, Lipa Tourism Council Member Mrs. Marites Jumarang, Lipa City OIC Tourism Officer Ms. Aylene G. Acorda, MIHTM, City Community Affairs Officer Ms. Melany Aguila, at Lipa City Foundation Day Celebration Chairman Mr. Boy Manguera.
Natanong namin ang apat sa mga contestant kung sino-sinong artista o personalidad ang nais nilang imbitahan sa Lipa at saan sa Lipa nila iyon dadalhin.
Ani contestant no 3 na si John Caille Sabile ng Brgy. Tibig, si Jessica Soho ang nais niyang imbitahan. “Ms Jessica will be a big help para mai-promote pa lalo ang culture, tradition and history ng Lipa. Hindi lamang sikat ang Lipa sa lomi, o kapihan. Mayaman din ang Lipa sa history and tradition.”
Si Liza Soberano naman ang napili ni contestant no 5 na si Jacquis Kristoffer Manlosa ng Brgy. Tibig pa rin dahil aniya, “bukod sa ganda niya, kasingganda rin niya ang Lipa. At sa destination dadalhin ko siya sa cathedral (Metropolitan Cathedral of San Sebastian—The Roman Catholic Archdiocese of Lipa) because isa iyon sa pinaka-old church then sa The Farm at San Benito because dahil sa stress and pollution sa Manila, mahahanap niya ang peace at wellness sa San Benito.”
Ang Batangueno namang aktor na si Joshua Garcia ang napili niJabeshe Coronel, contestant no 2mula Brgy. Tambo dahil aniya, “hindi na po siya naiiba sa atin sa Lipa, actually he usually visiting Malarayat (Mt Malarayat Gold and Country Club) to play golf. And for the destination I will bring him at our barangay Tambo, because I do believe that our barangay really embodies the hashtag Eat Pray Love Lipa. Because of course eat, we have the Ramen Co because of our kitchenette. And for the love, we really know at Tambo, me as Lipena we’re very warm.
Ang famous reporter naman ng GMA na si Kara David ang gustong imbitahan ni contestant no. 3, si Sharlit Apple Austria ng Brgy. Bugtong na Pulo. Aniya, “She is a famous documentator na ipino-promote niya ang culture, goods, history ng iba’t ibang region. I think she’s the right person na pwedeng i-invite rito hindi lang sa food, culture.
Gusto rin nilang i-tour sa lugar at ipakita ang ganda ng Lipa City sa mga paborito nilang artista na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Alden Richards, at Joshua.
Ang Lipa ay may 72 barangay na kilala rin na may malamig na klima, kapeng Baraco, suman at iba pang kakanin.
Ang search for Mister and Miss Lipa Tourism 2025 ay bahagi ng 78th founding anniversary celebration ng Lipa City sa pamumuno ni Mayor Eric B. Africa. Magaganap ang coronation night sa June 19 sa Plaza Independencia.
Umaasa naman ang mga contestant na dadalo sa coronation night ang bagong halal na Governor Vilma Santos kasama ang anak na si Cong. Ryan Christian Recto gayundin ang mister ni Alex Gonzaga na nagwaging vice mayor ng Lipa, si Mikee Morada.
Anang Tourism Council President na si Joel, laging nakasuporta at tumutulong sa Mister & Miss Lipa Tourism si Ate Vi gayundin sa iba’t ibang proyekto ng Lipa.
Kasama rin sa pagtataguyod ng Mister at Miss Lipa Tourism 2025 sina Mr. Luisito Nario MMLT25 Pageant Director, Ms Georgia Reyes MMLT25 Pageant Head, at Ms Gwyneth Padilla Miss Lipa Tourism 2024 1st Runner-Up at former Miss Lipa Tourism candidates. Sa pakikipagtulungan din ng LTN Events Inc. at ang host ay si Jaja Charotera.
Ang iba pang contestant sa Mister Lipa Tourism 2025 ay sina: Kenzo Guillermo – Brgy. Tambo; Marcuz Wayne Acar – Brgy. 9-A; Bob Ivan Las – Brgy. Bulacnin; Jacquis Kristoffer Manlosa – Brgy. Tibig; Kurt Michael Aguilar – Brgy. Bagong Pook; Albert Domingo – Brgy. Sabang; Neil Isaac Panganiban – Brgy. Tangway; Phil Jabez Alejandro – Brgy. Marawoy; Syrus Miguel Dimayuga – Brgy. 10; Glenn Darrel Quinio – Brgy. Balintawak; at Kier Jiggs Paul Christian Venturero – Brgy. Mabini.
Kasama rin sa Miss Lipa Tourism 2025 sina Alessandra Dianelle Elfante – Brgy. Maraway; Pholyn Roxas – Brgy. Lumbang; Patricia Ali Fornias – Brgy. Bulacnin; Joey Anne Chavez – Brgy. Sampaguita; lannah Almero – Brgy. Marawoy; Joyce Olgado – Brgy. Tipakan; Abbygail Mojares – Brgy. Banay-Banay; Jessa Mae Danao – Brgy. San Jose; Wrincel Joyce Baet – Brgy. San Isidro; at Trisha Faye Pamplona – Brgy. Tipacan.