Tuesday , April 29 2025
arrest, posas, fingerprints

Sa Pampanga
2 KARNAPER TIKLO

NASAKOTE ang dalawang lalaking sangkot sa insidente ng carnapping sa kahabaan ng JASA Road, Brgy. Dolores, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Nabatid na sinaksak ng dalawang suspek ang biktimang kinilalang si alyas Migs, 21 anyos, residente sa nabanggit na lungsod, at puwersahang kinuha ang kaniyang itim na Toyota Land Cruiser, nakarehistro sa isang G. Zubiri ng lungsod ng Makati.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Reden, 34 anyos, at alyas Ryan, 44 anyos, kapwa residente sa Bolinao, Pangasinan.

Tinangkang pigilan ng biktima ang dalawang suspek ngunit nakaladkad siya ng sasakyan habang mabilis na tumatakas ang mga suspek.

Isang rider ng motorsiklo ang nakasaksi sa insidente at nagbigay ng alerto sa mga kalapit na pulis na nakatalaga sa kahabaan ng Lazatin Blvd.

Sa tulong ng mga tauhan ng SWAT na nagkataong nasa lugar, tinugis ang mga suspek at naharang ang ninakaw na sasakyan na naging sanhi sa pagbagal ng trapiko.

Nang mapaligiran ng mga awtoridad ang mga suspek ay agad na sumuko at dinala sa kustodiya ng mga awtoridad.

Nakuha mula kay alyas Ryan ang isang sling bag na naglalaman ng isang kargadong .45 caliber STI Edge firearm na may Serial No. 287215 at isang magazine na kargado ng siyam na mga bala.

Dinala ang dalawang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang mga kasong carnapping, grave threats, serious physical injury, at paglabag sa Omnibus Election Code laban sa kanila.

Kaugnay nito, pinuri ni P/BGen. Jean Fajardo, regional director ng PRO3, ang mabilis na kahandaan ng mga alagad ng batas sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …