Wednesday , June 17 2026

Sa Balibago, Angeles City
UNDER CONSTRUCTION NA 9-STOREY BLDG GUMUHO 23 LABORERS NATABUNAN
Malaysian patay, 26 katao unang na-rescue

052526 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA

GUMUHO ang isang itinatayong 9-storey building sa Barangay Balibago sa Angeles City, Pampanga habang umiihip ang malakas na hangin, bumubuhos ang malakas na ulan, at dumadagundong ang thunderstorm, kahapon ng madaling araw Linggo, 24 Mayo.

                Kinompirma ng mga awtoridad na isang Malaysian national ang namatay nang madamay ang apartelle na kanyang tinutuluyan sa nasabing pagguho.

Batay sa paunang ulat ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), nasa 24 indibiduwal ang nailigtas mula sa gumuhong estruktura at dalawa katao ang sinagip sa isang katabing apartelle na tinamaan ng pagguho sa Oak St. kanto ng Teodoro St., Sta. Maria 1, Fields Avenue, Barangay Balibago, Angeles City.

                Kasalukuyang nagpapatuloy ang rescue operations para iligtas ang 23 laborers at construction workers na pinaniniwalaang natabunan ng mga guho dahil nasa ilalim na bahagi ng itinatayong gusali ang kanilang ‘barracks’.

Pahayag ng ACDRRMO, tinatayang naganap ang pagguho dakong 2:00 ng madaling araw kasabay ng matinding pag-ulan at malalakas na hangin na naranasan sa ilang bahagi ng Central Luzon.

Iniulat na hindi tumitigil at tuloy-tuloy ang pagkilos ng rescue team upang maisalba ang buhay ng mga construction workers habang sinusuri ng mga awtoridad ang stability ng mga katabing gusali sa paligid.

                Samantala, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na agad napasugod sa lugar ng insidente, masusi nilang iimbestigahan ang pangyayari at aalamin ang dahilan ng pagguho ng ginagawang gusali.

“As of now, ang priority, search and rescue muna. Kasi may mahigit 20 workers na naipit dahil sa disgrasya na nangyari. ‘Yung cause of disgrasya, siguro huwag muna natin ‘yun, iimbestigahan pa ‘yan,” wika ni Dizon.

Ipinahayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Information Office chief F/ Supt. Ma. Leah Sajili, 23 katao pa ang hinahanap.

“Total of 23 estimated trapped victims as of today. So we have a total number of 24 who have ‘escaped’, so meaning hindi po sila nakasama sa bilang na 23 na hinahanap natin ngayon. Mayroon po tayong 10 patients transported sa Rafael Lazatin Memorial Hospital, and may isa po tayo roon sa patient na hindi nakukuha ang pangalan as of now,” sabi ni Sajili.

Inilinaw ni Angeles City Information Officer Jay Pelayo, bukod sa mga posibleng na-trap na obrero, may walong motorista at pedestrian na dumaan sa lugar ang napinsala ng minor injuries ngunit nasa maayos nang kalagayan. Ligtas na nakalabas ang project foreman at 10 construction workers mula sa bumagsak na estruktura.

Kinompirma rin ng DPWH chief na mayroon pang ‘proof of life’ sa guho.

Aniya, mayroong komunikasyon na natanggap ang mga awtoridad mula sa isang Malaysian citizen na na-trap din sa kabilang building na tinamaan ng pagguho.

Mayroon umanong naririnig na mga boses sa ilalim ng mga debris ang mga tauhan ng BFP na nagresponde sa lugar.

Agad nagpadala ang DPWH ng dalawang dump trucks, isang backhoe, isang boom truck, at isang Tadano crane sa site upang magamit sa rescue operations.

Isinusulat ang balitang ito’y umabot na sa 26 katao ang nasagip, 24 mula sa gumuhong estruktura habang dalawa mula sa katabi nitong apartelle.

Nahirap ang search and rescue operations dahil sa mga live electrical wires na nagbagsakan.

Inihayag ng lokal na pamahalaan na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa permits ng proyekto at sanhi ng pagguho nito. Sa ngayon, hindi pa umano nila makontak ang contractor ng gusali.

Wala opisyal na ulat ang mga awtoridad hinggil sa kabuuang bilang ng sugatan at eksaktong sanhi ng pagbagsak ng gusali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …