Tuesday , June 16 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Wag magpadala sa emosyon… due process pairalin

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HUWAG kasing ipilit! Ang alin? Ang physical injuries sa kasong  frustrated murder. Ano tuloy ang nangyari? Supalpal na nga,  inulan pa ng negatibong komento mula sa bashers nitong nakaraang linggo si National Police Commission (Napolcom) Vice Chair at Executive Officer Atty. Ralph Calinisan. Bakit?

Heto lang naman kasi ang kaganapan –  matapos ibasura ng piskalya ng Pasig City Prosecutor’s Office ang ipinilit nitong kasong frustrated murder laban sa isang pulis na nanakit ng rider at ibinaba sa physical injuries, kaliwa’t kanang “negative comments” mula sa mga basher ang isinalubong sa abogado. Isa nga bang kahihiyan sa Napolcom o kay Calinisan ang pagbasura ng piskalya sa maling akusasyon?

Hindi naman, dahil rekomendasyon lang  naman iyon at siyempre, nasa piskalya na ang huling baraha.

Ngayon sa pangyayari, hindi natin  masisisi ang publiko kung may mga nawawalan ng gana sa paraan ng pagpapatakbo ni Calinisan sa Napolcom na nangangasiwa sa halos 250,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP). Ganoon ba? Para lang sa ibinasurang rekomendasyon ay pagdududahan na ang kakayahan ng mama? Huwag naman.

May mga sang-ayon naman sa ginagawa ni Calinisan sa paglilinis sa hanay ng PNP upang panatilihin ang tiwala ng mamamayan sa pulisya – nandiyan iyan sa kanyang mandato.

Katunayan, determinado naman si Calinisan (in fairness) – siya’y masipag, matino at matalino. Ngunit sa mata ng marami, may pagka-emosyonal ang abogado. Naturalmente, tao din iyan e. Ramdam din niya ang feelings ng mga naagrabyado. E paano naman ang feelings ng mga pulis na nakakaranas ng maling akusasyon at nahusgahan na at nakaladkad ng kahihiyan sa media na walang due process?

Tulad nga ng nangyari sa isang pulis Quezon City – nakaladkad sa media, nalagay sa kahihiyan pero sa bandang huli – siya’y nagwagi.

Heto pa, nitong 21 Mayo, sa isang pulong balitaan sa opisina ni Calinisan, muli niyang iniharap sa media ang pamilya ng ilang biktima sa missing sabungero. Tinalakay dito ang umano’y suhulan blues kung saan dalawang mataas na opisyal ng PNP ang sangkot pero ano ang nangyari. Sa halip na ang konsentrasyon ay imbestigasyon laban sa dalawang pulis, nagamit ang ahensiya ng pamahalaan at pagkaladkad sa isang pribadong abogada na hindi naman saklaw ng opisina ni Calinisan.

Ang nangyari, nakapokus ang mga kaanak ng biktima (o ang Napolcom) sa abogada kaysa dalawang inaakusang  dalawang opisyal ng PNP sa suhulan.

Sa pangyayari, tila nakalimutan na rin ang due process dahil hinayaan makaladkad sa akusasyon ang abogada kung saan ay may karapatan din para sa isang due process..

Isa rin abogado si Calinisan, at alam niya na ang karapatan ay hindi lang eksklusibo sa mga nag-aakusa. May mga karapatan din ang inaakusahan.

Sa mga pangyayaring ito, ang tanong diyan ay nasa tamang direksiyon pa rin ba ang Napolcom sa liderato ni Atty. Calinisan? Kayo na ang bahalang humusga. Basta’t ang paalala dito ay huwag tayong magpapadala sa awa o emosyon at sa halip, unahin ang due process

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Chiz dumating sa plenaryo
ANO ANG NASA LIKOD NG KANYANG DESISYON

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng mga nagkakasalungatang kampo sa Senado, madaling mawala sa …

Sipat Mat Vicencio

Peke ang Blue Ribbon Committee hearing ni Matet

SIPATni Mat Vicencio “HINDI na po ako papayag na mag-hearing-hiringan kayo riyan, and I will …

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas …