Thursday , June 18 2026
Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Apat na nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga
2 LABORER NASAGIP PERO KRITIKAL, NAMATAY MALAYSIAN, PWD DEAD ON THE SPOT
Sa 47 biktima, 4 patay, 26 nasagip, 17 nawawala

ni MICKA BAUTISTA

APAT na ang narekober na katawan sa search and rescue operations ng mga awtoridad kahapon, Lunes, 25 Mayo habang 17 pa ang nawawala sa gumuhong ginagawang 9-storey building sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nitong madaling araw ng Linggo, 24 Mayo.

Nabatid sa ulat ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), kabilang sa mga namatay ay isang Malaysian national at isang person with disability (PWD) mula sa katabing apartelle na tinamaan ng bumagsak na debris mula sa gumuhong gusali noong Linggo ng madaling araw.

Nitong Lunes, dalawa katao, kapwa sugatan, ang  nakuha mula sa pagkakaipit sa gumuhong gusali ngunit binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest dakong 3:00 ng madaling araw ang isa sa kanila habang ang isa pa ay idineklarang patay dakong 10:00 ng umaga.

Ayon kay Angeles City Mayor Carmelo “Jon” Lazatin, gumamit ang mga rescuers ng specialized equipment gaya ng thermal scanning technology at K9 search units sa paghahanap ng posibleng “signs of life” sa gumuhong estruktura.

Samantala, sinabi ni Fire Superintendent Maria Leah Saijili, tagapagsalita ng BFP Region 3, kasunod ng dalawang nauna ay may nakuha pang dalawang biktima ang mga rescuer kahapon mula sa mga guho sa gitna ng patuloy na search, rescue, at retrieval operations.

Sa pinakabagong update mula sa Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO) na inilabas dakong 3:00 ng madaling araw kahapon, umabot sa 47 ang kabuuang bilang ng mga biktima.

Sa bilang na ito, 26 indibiduwal ang matagumpay na nailigtas, habang 17 katao ang patuloy na nawawala.

Sa 26 nasagip, 24 ay mga nagtatrabaho sa gumuhong gusali at dalawa ang nakuha mula sa katabing apartelle na nabagsakan ng debris habang 10 ang sugatan na nasa pagamutan.

Ang bilang ng mga nasawi ay tumaas sa apat matapos maiangat ng mga emergency responder ang isang lalaki mula sa mga debris pagkalipas ng hatinggabi.

Nagpapatuloy ang search and rescue operations nang mahigit 24 oras kasunod nang biglaang pagguho ng estruktura dakong 2:00 ng madaling araw noong Linggo.

Nananatili ang mga disaster response team sa lugar at nagtatrabaho upang mahanap at ligtas na mailabas ang mga natitirang nawawalang indibiduwal mula sa kalumpunan ng mga debris.

Samantala, sinabi ng Philippine National Police na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga lokal na awtoridad at mga emergency response unit upang tumulong sa construction site at mga katabing establisimiyento na naapektohan ng pagguho ng gusali.

Nagpapatuloy pa rin ang mga operasyon sa pagsagip sa gitna ng mapanganib na kondisyon dulot ng mga hindi matatag na debris at mga buhay na linya ng koryente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …