MATABIL
ni John Fontanilla
PUNOMPUNO ng talento ang beauty queen & philanthropist na si Charina Carmen na mahusay kumanta at umarte.
Katunayan, nakatakda itong mag-release ng kanta ngayong buwan, ang Carry On na siya mismo ang nag-compose.
Bukod sa launching ng kanyang kanta ay may pelikula rin itong ginawa, ang Coming Home na makakasama sina Jeric Gonzales, Gene Gerard Josol, Mygz Molino, ME, Chad at Rico Cabrera, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan, produced by Jeth Carey.
Naikuwento rin nito na noong kabataan niya ay ilang beses siyang inalok ng yumaong talent manager na si Manay Lolit Solis, pero tinanggihan niya dahil wala pa sa puso niya ang mag-artista at naka-focus siya sa pag-aaral.
Pero ngayon ay buo na ang kanyang loob na subukan ang pag-arte at pagkanta.
Napag-alaman din namin na noong kabataan niya ay niligawan siya ni Mathew Mendoza.
“Grabe na-research n’yo pa ‘yun. Bata pa kami noong nanligaw siya, pero hangang ligaw lang hindi naging kami ni Mathew.
“During that time kasi masyadong bata pa kami. Hindi pa ako ready and mas naka- focus ako sa pag-aaral.
“Pero naging okey naman ‘yung relasyon namin bilang magkaibigan. Ninong siya ng anak ko at very good friends kami ng wife niya.”
Sa mga susunod na araw ay magiging abala siya sa promotion ng kanyang kanta at pelikula.
Hindi naman nito hinahangad na sumikat, gusto lang niyang i-enjoy ang kanyang journey sa showbiz at i-share ang kanyang talent.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com