Wednesday , June 17 2026
Pampanga Police PNP

PNP kasama sa nag-iimbestiga sa gumuhong gusali sa Angeles City

NAGPAHAYAG ang Philippine National Police (PNP) na tumutulong ang ahensiya sa imbestigasyon kaugnay sa gumuhong gusali sa lungsod ng Angeles, Pampanga.

Ayon kay PNP chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., “Sinusuportahan din ng PNP ang patuloy na imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente at mga posibleng paglabag sa kaligtasan at mga regulasyon sa konstruksiyon.”

Dagdag niya, “Nagpapatuloy ang mga operasyon sa pagsagip sa gitna ng mga mapanganib na kondisyon na dulot ng mga hindi matatag na debris at mga buhay na linya ng koryente.”

Agad nagpadala ang PRO 3 sa pamumuno ni P/BGen. Jess Mendez ng 175 tauhan ng pulisya upang makipagtulungan sa Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at sa Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga operasyon sa paghahanap at pagkuha, pamamahala ng trapiko, at seguridad sa lugar.

Kasabay nito, pinayohan ng PNP ang publiko na iwasan ang lugar upang walang maging hadlang sa isinasagawang emergency operation.

Sinabi ng public information officer ng lungsod na si Jay Pelayo na magsasagawa sila ng magdamag na search and rescue operations para sa 17 indibiduwal na pinaniniwalaang nakulong sa ilalim ng mga guho ng gumuhong gusali.

Karamihan sa mga nakulong na biktima ay pinaniniwalaang mga construction worker.

Sa huling ulat, apat na ang namatay sa pagguho habang 26 sa 47 biktima ang nailigtas at 17 ang nananatiling nawawala. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …