Wednesday , June 17 2026
Association of Womens Workers in Construction Industry AWWCI
MGA larawan ng mga babaeng construction workers at safety officers na miyermbro ng Association of Women’s Workers in Construction Industry (AWWCI) (mula sa mga kuhang larawan ni TEDDY BRUL.)

Sa pagbagsak ng ginagawang 9-storey building
Estriktong ipatupad estandarisadong kaligtasan sa kontruksiyon — AWWCI

ni TEDDY BRUL

LAKAS-PAGGAWA ang puhunan ng mga construction worker kaya tungkulin ng pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang mga pamantayan sa kaligtasan sa lahat ng pagawaan, pahayag ng Association of Women’s Workers in Construction Industry (AWWCI).

Mariing kinondena ng AWWCI ang sana’y naiwasang pagkamatay at pagkasugat ng mga manggagawa kung hindi dahil sa kapabayaan at pagtitipid ng kompanya sa itinatayong siyam na palapag na gusaling gumuho sa Balibago, Angeles City, Pampanga.

Panawagan ng grupo, papanagutin ang Golden Years Construction and Steelworks Corp., at mga kaukulang ahensiya ng gobyerno dahil sa kabiguang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng labor safety measures at regular na inspeksiyon sa lugar-paggawa.

Kinuwestiyon ng AWWCI kung bakit nagpatuloy ang konstruksiyon ng gusali kahit mayroon nang work stoppage order na inilabas noong Setyembre 2025 ang Department of Labor and Employment (DOLE) Central Luzon.

Ayon sa DOLE, ilang paglabag sa workplace safety regulations ang ginawa ng Golden Years Construction and Steelworks Corp., na naging dahilan ng pagpapahinto noon sa proyekto.

Natuklasan noon ng safety inspection team ng DOLE ang kakulangan o halos kawalan ng safety belt, lifeline, personal protective equipment, at hard hat sa construction site sa Barangay Balibago. Masahol pa, wala umanong nakatalagang safety officer sa lugar.

Inihayag ni DOLE Central Luzon Director Geraldine Panlilio na maging ang mga benepisyong tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG ay hindi umano naibibigay sa mga manggagawa.

Ayon kay Panlilio, inalis ang work stoppage order matapos umanong magsagawa ng mga pagbabago ang kompanya makalipas ang halos isang buwan.

Gayunman, nananatiling palaisipan kung bakit tila walang masusing follow-up safety inspection noong mga buwan ng Marso at Abril.

Sinabi rin ng DOLE na handa silang magbigay ng emergency employment at livelihood assistance sa mga apektadong manggagawa at kanilang pamilya.

Ngunit para sa AWWCI, walang ayudang makapapantay sa buhay ng obrerong nasawi dahil sa kasakiman ng kompanya at kapabayaan ng estado.

“Ayuda’y walang saysay sa obrerong itinanghal na bangkay bunsod ng kasakiman ng kompanya at kapabayaan ng estado,” pahayag ng AWWCI.

Iginiit ni Jane Vargas, national coordinating officer ng AWWCI, obligasyon ng mga safety inspector ng DOLE na tiyaking tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mga pangunahing pamantayan sa occupational safety at structural safety sa mga construction project.

Binigyang-diin niya na dapat tiyakin ng mga construction firm ang sapat na personal protective equipment at mahigpit na pagsunod sa structural shoring — kabilang ang temporary support systems, excavation safeguards, trenching standards, at mga hoist mechanism — upang maiwasan ang pagguho at maprotektahan ang mga manggagawa at komunidad.

Dagdag ni Vargas, dapat estriktong ipinapatupad ang mga hakbang pangkaligtasan bago at habang ginagawa ang proyekto, kabilang ang pagsusuri sa lupa, wastong paggamit ng PPE, at malinaw na safety signage.

Giit ng AWWCI, hindi dapat isinasantabi ang mga protocol laban sa pagguho, limitasyon sa bigat, at kapasidad ng mga kagamitan. Hindi dapat ipinipilit o ino-overload ang mga estruktura at kagamitang gaya ng gondola kung lampas na ito sa ligtas na kapasidad.

Pinaalalahanan din ng grupo ang mga kompanya na tiyaking ligtas ang mga daanan, rampa, hagdanan, at iba pang bahagi ng construction site upang maiwasan ang kapinsalaan at pagkamatay ng mga obrero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …