SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
ANIMO’Y isang tagpo sa serye ang bagong collab nina Coco Martin at Sen. Lito Lapid. Iyon pala ang Supremo tvc o ang pag-endoso ng bida sa Batang Quiapo sa senador sa ginawa nilang tvc.
Kasama sa collaboration na ito nina Coco at Lito ang anak ng senador na si Mark Lapid. At tiyak kung sino man ang makapanood nito, maganda at madaling maintindihan ang gustong ipahatid lalo na iyong mga nagawa ng senador.
Maganda ang dialogue ni Coco tulad ng ‘sabi nila wala raw ginawa si Sen. Lito noong umupo sa Senado. Ano ang pinanindigan mo?
Sagot ng netizen. ‘pinanindigan niya ang mahihirap para sa RA 9999 ‘Lapid Law.’ Libreng tulong legal ito.’
Sumunod na kinuwestiyon ni Coco kay Lito ang ‘artista ka lang.’ Aniya, ‘ano ba ang magagawa ng isang action star?’
Ang sagot, Isa si Sen. Lapid sa umaksiyon sa kapakanan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Eddie Garcia Law.
Inurirat din ni Coco ang ukol sa hindi nakapagtapos iyon ng pag-aaral. Na ang sagot ay, ‘Ipinasa ni Lito ang Free College Exams Education Act.’
Giit pa ni Coco, “dumanas ka man ng hirap, lahat ng sabi-sabi sa ‘yo inaksiyonan mo.”
”Kung ako’y nakaahon, kaya niyo rin, kaya natin lumaban at umunlad,” sagot ni Sen. Lito.
Kasunod ng pag-urirat ni Coco kay Lito ay ang pag-endoso nito para sa darating na halalan sa Mayo.
Wagas ang pagkakaibigan nina Coco at Lito. Unang nagkasama ang dalawa sa FPJ’s Ang Probinsyano na sumikat ang taguri kay Lito bilang Pinuno. Supremo naman sa Batang Quiapo. Sa mga pangalang ito lalong naging matunog ng pangalan ni Lito kaya nga hinangaan niya lalo si Coco.
Aniya sa isang interbyu, “Wala akong masabi, napakagaling ni Coco. Kung ano ang role niya, naging role ko na noon, pero iba siya.”
At dahil tatakbo muli si Lito sa pagka-senador sa Mayo, namaalam na ang kanyang karakter. “‘Yung character ko maganda. Kapag binigyan ka ng role ni direk Coco, nagmamarkda. Isa na lang doon sa Ang Probinsyano, pinangalanan niya akong Pinuno, ngauyong pinangalanan akong Supremo, nagmarka din ‘yung Supremo. Kaya napakagaling talaga ni Coco.”