Thursday , September 12 2024
arrest, posas, fingerprints

Karpintero, tanod tiklo sa boga at bato

NASAKOTE ang dalawang indibidwal sa paghahain ng search warrant sa serye ng mga operasyong isinagawa ng pulisya sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 11 Febrero.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang naaresto ang suspek na kinilalang si Arthur Paraiso, 47 anyos, karpintero, mula sa Brgy. Mambog, Malolos, nang hainan ng search warrant ng mga operatiba ng Malolos CPS.

Kasunod nito, nasakote rin ng mga tauhan ng Malolos CPS sa bisa ng search warrant ang suspek na kinilalang si Mark Anthony Alido, 44 anyos, barangay tanod, sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) sa Malolos Heights, Brgy. Bulihan, sa naturang lungsod.

Nakompiskahan ang suspek ng isang kalibre .38 revolver na kargado ng limang bala, at hinihinalang shabu.

Kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal sa korte laban sa dalawang suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …