Wednesday , December 7 2022
gun dead

Anak binaril ng ama, patay retiradong pulis arestado

DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 24 Oktubre ang isang retiradong pulis na inakusahang binaril ang sariling anak matapos ang matinding sagutan sa kanilang bahay sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Enrique Galapate, 62 anyos, inaresto sa kanilang bahay sa Brgy. Narra, matapos maiulat ang insidente sa kanilang tanggapan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, si Galapate at ang kanyang anak na si Erickson Galapate, 26 anyos, isang security guard, ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo habang nag-iinuman dakong 11:30 pm nitong Linggo, 23 Oktubre.

Ayon kay P/Lt. Col. Lumactod, ugali umano ng matandang Galapate na kapag nalalasing at habang sila ay nag-iinuman ay inaakusahan ang anak na magnanakaw na humantong sa mainit na palitan nila ng salita.

Nabatid, sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng retiradong pulis ang kanyang baril matapos sumagot sa kanya ang anak saka niya binaril nang dalawang beses sa ulo na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nakompiska mula sa suspek ang isang 9mm pistol na ginamit sa pamamaril at natuklasan na ito ay may PNP marking ngunit may defaced serial number. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …