Friday , December 1 2023
PNP PRO3 Bulacan Daniel Fernando

PNP PRO3 hinangaan at pinuri ni Gov. Daniel

“LAGI nating isapuso ang sinumpaan nating tungkulin: ang maglingkod at magbigay ng proteksiyon.”

Ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando ng Bulacan, unang gobernador na naimbitahan bilang panauhing pandangal sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasama ang Philippine National Police-Police Regional Office sa pamumuno ni P/BGen. Cesar Pasiwen na ginanap sa PRO3 Parade Ground, Camp Julian Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga nitong Lunes ng umaga, 5 Setyembre.

“Sa ating patuloy na pagharap sa mga pagsubok ng ating bansa, lagi nating isapuso ang sinumpaan nating tungkulin: ang maglingkod at magbigay ng proteksiyon. Mas higitan natin ang ating sinumpaang tungkulin at alalahanin ang bawat pamilyang Filipino na namumuhay nang panatag dahil sa ating matapat na pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan. Ialay natin ang ating serbisyo at maging ehemplo sa bawat bata na nangangarap din maging alagad ng batas.”

Binigyang papuri ni Fernando ang pulisya sa PRO-3 dahil sa kanilang matagumpay na serye ng manhunt operations upang mahuli ang mga most wanted person at ang kanilang patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.

“Sa totoo lang po, masasaktan ako kapag may napahamak o magbuwis ng buhay sa ating pulisya lalo pa at batid ko naman ang inyong tapat na hangarin na maglingkod sa ating mga kababayan para maseguro ang kanilang kaligtasan,” anang People’s Governor.

Nangako rin si Fernando na laging susuportahan ang PNP sa kanilang adhikain na mapanatili ang seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa bansa.

“Alam ko po na may kaakibat na tukso ang mabigat na responsibilidad na ito, ngunit naniniwala akong mas marami ang huwaran at tapat sa inyong hanay. Makaaasa kayo na palagi ninyo akong katuwang sa inyong mga adhikain. In honor of our flag and your commitment to duty, I vow to do my part as the governor of the Province of Bulacan to strengthen our uniformed services in our jurisdiction. Let us reinforce our solidarity towards an inclusive, peaceful, and humane future,” aniya.

Bilang panauhing pandangal, pinangunahan din ng Gobernador ang paggawad ng “Medalya ng Papuri” sa sampung PNP Personnel para sa kanilang mahusay na serbisyo at matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad.

Kabilang sa mga dumalo ang Command Group na kinabibilangan nina P/BGen. Jerry Bearis, P/Col. Jay Cumigad, P/Col. Lawrence Cajipe, at Bulacan PPO Provincial Director P/Col. Charlie Cabradilla. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …