Thursday , March 30 2023
marijuana

1.2 kilong ‘damo’ nasabat 2 tulak, 5 iba pa nakalawit

Nasakote ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa  isinagawang operasyon sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 27 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos CPS ng anti-drug bust sa Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na lungsod dakong 12:35 ng madaling araw noong Biyernes na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Gerardo Padawan alyas Jerry at Minerva Tamayo alyas Minie, kapwa mga residente ng Brgy. Sto. Rosario, sa lungsod, na naaktuhang magkasabwat sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 11 pakete at isang isang bloke ng tuyong dahon ng marijuana na may timbang na humigit-kumulang sa  1,200 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P144,000.

Kaalinsabay nito, nadakip rin ang lima pang personalidad sa droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng SDEU ng mga police stations ng Balagtas, Marilao, at Pandi.

Kinilala ang mga suspek na sina Fidel Cayco alyas Pate; Monte Carlo Remolano alyas Chet; Ric Orjaleza; Michael Avien Dela Cruz; at Mark Aaron Interior.

Nakumpiska mula sa kanila na gagamiting ebidensiyang kabuuang 15 pakete ng hinihinalang shabu, dalawang pakete ng tuyong dahon ng marijuana, coin purse, at buybust money.  (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …