Thursday , November 14 2024
Uniteam BBM-Sara Rally Bulacan

Uniteam ng tambalang BBM-Sara muling sinuyo ang mga Bulakenyo

TILA walang planong magpakabog ang Team BBM-Sara sa Team Leni-Kiko, dahil pagkaraan lamang ng ilang araw matapos ganapin ang People’s Rally sa Bulacan ay nagbalik muli sina dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., at Mayor Sara Duterte sa lalawigan.

Matatandaang ginanap ang proclamation rally ng tambalan at ng buong UniTeam sa Philippine Arena sa bayan ng Sta. Maria, noong 8 Pebrero na dinaluhan ng mga supporters mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nagtipon ang mga supporters simula 10:00 am nitong Martes, 8 Marso, sa Guiguinto Municipal Oval sa likod ng Guiguinto Municipal Hall.

Matapos nito ay tumulak ang Team BBM-Sara sa Meycauayan College Annex sa Brgy. Malhacan, Meycauayan kung saan nag-aabang ang iba pang supporters na nakasuot ng pula at berdeng T-shirts.

Kasunod nito, nagsagawa ang grupo ng isang motorcade papuntang Sta. Maria, Bulacan para sa isang rally ang isinagawa sa isang open space sa Bypass Road, sa dating puwesto ng Night Market sa Brgy. Sta. Clara.

Ang Bulacan ay nasa Top 5 vote-rich province sa bansa kaya mararamdaman ang todo-todong panunuyo ng mga kumakandidato sa mga botante ng lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …