Friday , June 2 2023
Covid-19 positive

34 med staff sa Bulacan positibo sa Covid-19

NASURING positibo sa SARS-COV-2 ang hindi bababa sa 34 medical staff ng COVID-19 facility sa lalawigan ng Bulacan.

Inihayag ni Dr. Hijordis Marushka Celis, director ng Bulacan Medical Center at vice chair ng Bulacan CoVid-19 Task Force, ang mga pasyente ay kabilang sa Bulacan Infection Control Center at Bulacan Medical Center.

Dagdag ni Celis, maaari pang madagdagan ang bilang ng healthcare workers na nahawaan ng virus dahil may mga doktor, nurse, at mga manggagawa sa ospital na nasuring positibo rin sa CoVid-19.

Aniya, ang isolation period para sa mga healthcare workers ay pinaikli sa pitong araw samantala ang kanilang close contacts ay sinabihan na i-isolate nang limang araw. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …