Monday , September 25 2023
DANIEL FERNANDO Bulacan

833 tauhan ng BMC prayoridad sa CoVid-19 vaccines — Gov. Fernando

IPINAHAYAG ni Bulacan Governor Daniel Fernando nitong Huwebes, 11 Pebrero, na hindi kukulangin sa 833 tauhan ng Bulacan Medical Center ang kinilala bilang prayori­dad o unang tatanggap ng CoVid-19 vaccines.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Fernando, sila ang unang grupo na tatanggap ng vaccine sa lalawigan.

“Na-identify natin at nai-profile ang 833 empleyado ng Bulacan Medical Center na mapapa­bilang sa unang batch na mababakunahan,” ayon sa gobernador.

Dagdag ni Fernando, ang provincial government ay patuloy na tinatapos ang listahan ng prayoridad sa vaccination na kabibilangan ng maraming healthcare workers sa mga pampubliko at pribadong pagamutan gayondin ang mga barangay health centers.

“Patuloy din pong kinokompleto ang listahan ng iba’t iba pang frontline health workers po natin,” pahayag niya.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, 117,000 doses ng CoVid-19 vaccines mula sa Pfizer-BioNTech sa ilalim ng COVAX facility ang unang darating sa bansa.

Inilalaan ang unang batch ng vaccine para sa mga tauhan ng mga ospital na sanggunian ng CoVid-19 tulad ng Philippine General Hospital (PGH) sa lungsod ng Maynila at Lung Center of the Philippines sa lungsod ng Quezon.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWANni Ed de Leon PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw …

SM Foundation Health Medical Mission Butuan Davao Feat

SM Foundation naghatid ng tulong medikal sa Mindanao

Mahigit 1,000 benepisyaro mula sa Butuan at Davao City ang nakatanggap ng libreng medical at …

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *