BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, responsableng pamumuno, at mabuting pamamahala, kinilala ang Bulacan bilang SubayBAYANI Award Exemplar for 2025 sa ginanap na prestihiyosong pagpaparangal kamakailan sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila. Kinikilala ng SubayBAYANI Awards ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang naghahatid ng konkretong resulta at magandang …
Read More »Masonry Layout
Patunay ng mabuting pamamahala
11 timbog sa drug bust sa Bulacan
MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre. Batay sa ulat ng mga hepe ng pulisya ng San Jose Del Monte, Hagonoy, Pulilan, Meycauayan, Malolos, at Bocaue C/MPS, nagsagawa ng magkakahiwalay na drug bust operations ang kani-kanilang Station Drug Enforcement …
Read More »
Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo
ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang 450 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3,060,000 ang nakumpiska sa matagumpay na buybust operation na isinagawa ng mga awtoridad nitong Huwebes ng hapon, 4 Disyembre, sa Brgy. Caypombo, bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat ni P/Lt. Col. …
Read More »Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad
ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice supply chain sa Siapo Elementary School sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro — na nagpapakita na ang paglago at makabuluhang pag-unlad ay maaaring maging reyalidad kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang komunidad ay nagkaisa. Ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng National …
Read More »Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft
SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC Branch 265 at nagpiyansa para sa mga kasong graft kaugnay ng kontrobersiyal na POGO hub sa kanyang bayan. Nagsumite si Capil ng cash bond na P630,000, kaya binawi ng korte ang utos nang pag-aresto na may petsang 27 Nobyembre at ang inilabas na warrant of …
Read More »
Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak
PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na droga, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre. Ayon kay P/Lt. Col. Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo CPS, naganap ang insidente kahapon ng umaga sa Purok 5, Zone 8, Brgy. Cupang, sa nabanggit na lungsod. Aniya, inalok ng biktima ang …
Read More »
Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse
WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio Lizares, lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 2 Disyembre. Ayon kay P/Maj. Rhazl Jim Jocson, deputy chief ng Talisay CPS, tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 anyos ang biktimang hubad baro at nakasuot ng pulang short pants. Ani Jocson, nakita ng may-ari …
Read More »
Sa Pasay City
Notoryus na kawatan todas sa inuman
PATAY ang isang lalaking nakikipag-inuman sa tabing kalsada matapos barilin sa ulo, nitong Miyerkoles ng umaga, 3 Disyembre, sa lungsod ng Pasay. Nagawa pang madala sa Pasay City General Hospital ang biktimang kinilalang si alyas Arvin, residente sa Brgy. 184, Maricaban, sa naturang lungsod. Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas Markandre, 18 anyos, …
Read More »Alkalde ng San Simon, Pampanga nagtatago na
NAGTATAGO na ang suspendidong alkalde ng San Simon, Pampanga na si Abundio Punsalan, Jr., matapos siyang silbihan ng dalawang warrant of arrest kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds dahil sa sinabing ilegal na pagbili ng isang ari-arian na nagkakahalaga ng P45 milyon noong 2023. Ayon kay P/Col. Eugene Marcelo, provincial director ng Pampanga PPO, hindi natagpuan …
Read More »Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor
TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na nakahimpil sa Manila North Harbor sa Moriones, Tondo, sa lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi, 3 Disyembre. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa loob ng engine room ng barko dakong 7:16 ng gabi at mabilis na itinaas sa ikalawang …
Read More »Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman
NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid ni dating Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna, ng graft at grave misconduct sa Office of the Ombudsman laban kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Manila Vice Mayor Chi Atienza, at 13 iba pa, nitong Martes ng umaga. Sa press conference, sinabi ni Lacuna, ang …
Read More »Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot
NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot kaya iminumungkahi niya ang pondo at koordinasyon laban dito. Babala niya, maaaring panghabambuhay na ang epekto nito sa mga bata kung mananatiling hiwa-hiwalay ang mga programa. “Hindi natin ipino-propose [na maglagay ng] wild amounts kung ‘di natin sure [kung saan gagamitin.] Pero sa mga lugar …
Read More »2 sekyu nag-away sa botika, 1 patay
PATAY ang isang security guard nang barilin ng kapwa sekyu makaraang magkapikunan sa pagtulog sa oras ng duty na nauwi sa pamamaril sa loob ng pinagtatrabahuang botika , Miyerkoles ng umaga sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala ng kalibre .9mm sa katawan ang biktimang si alyas Sonny, 48 anyos, residente sa M. Fernando St., …
Read More »P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects
MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control projects mula pa noong 2016 — at hindi pa kasama rito ang mga substandard na proyekto, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson. Ayon kay Lacson, nakarating siya at ang Senate finance committee chairman sa pagtatayang ito base sa mahigit 10,000 proyekto …
Read More »Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan
OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love Kryzl, na espesyal niyang regalo para sa nalalapit na kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia. Ang kanta ay pagpupugay sa paglalakbay ng magkasintahan tungo sa pag-iisandibdib. Ipinakikita ang mga emosyon, alaala, at aral na kanilang pinagdaanan bago marating ang puntong ito ng kanilang relasyon. Mula sa unang …
Read More »Janah Zaplan inilunsad awitin kontra-korapsiyon
PINAGHALONG ispiritwal at panlipunan ang konsepto ng awiting kinanta ni Janah Kristine Zaplan, ang O Panginoon, Pangunahan Mo Ang Pagbabago na nilikha ni Ricky Rivera ng Artikulo Onse Band. Ipinarinig ng Cum Laude graduate sa Airline International Aviation College ang awiting kontra-korapsiyon na nagpapaalala sa publiko na manatiling vigilant at ‘wag kalimutan ang totoong isyu. Ani Janah ikinatuwa niya ang pagkapili sa kanya para kumanta ng O …
Read More »Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO sa Metro Manila 17 LGUs
LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naglalayong palakasin ang kanilang lokal na kakayahan sa pagtugon sa mga emerhensiyang medikal sa National Capital Region. Ipinagkaloob ng PCSO sa isang seremonyang ginanap sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) ang mga susi ng …
Read More »Vilma in high spirit ‘pag tumatanggap ng tropeo
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I feel so happy, it’s a different high.” Ito ang tinuran ng Star for All Seasons Vilma Santos-Recto matapos muling masungkit ang Best Actress trophy sa katatapos na 41st PMPC Star Awards for Movies noong Linggo. December 30, 2025. Bagamat madalas makatanggap ng pagkilala si Ate Vi sa tuwina’y hindi nawawala ang excitement at pasasalamat sa kanya. “I feel so, …
Read More »Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na
ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika matapos hindi suwertehing manalo bilang vice mayor ng Batangas. “As of now, my main focus ay balik sa pagho-host, to take care of my family. Marami pa rin akong itutulong din naman sa Batangas. Pero if we talk about running again, hindi ko na naiisip,” ani …
Read More »Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)
We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta City this coming weekend, from December 3 to 10, 2025. AGRARYO TRADE FAIR: GAWANG ARBO, TATAK AGRARYO Quantum Skyview, Upper Ground B, Gateway 2 Ongoing until Dec. 5 (Friday) The Agraryo Trade Fair is the biggest event featuring products made by Agrarian Reform Beneficiaries Organizations …
Read More »Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research
ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey para sa 2028 vice presidential race ay naitala ni dating Senador Grace Poe, na ngayon ay kaagapay na ni Sen. Robin Padilla sa ikalawang puwesto sa 8.4% (+2). Nangunguna pa rin si Sen. Bong Go (19.1%, +3), ngunit malinaw ang paglapit ng suporta kay Poe …
Read More »
Para makulong mga sangkot sa flood control projects
ICI PALALAKASIN VS KURAKOT — TIANGCO
MULING iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pagpasa ng kanyang panukalang batas na layong bigyan ng dagdag na pangil ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para maimbestigahan at tuluyang maipakulong ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Tiangco, makatutulong ang kanyang House Bill No. 5699 para gawing mas mabilis at epektibo ang mga imbestigasyon ng …
Read More »
Fernando, nanawagan ng pakikiramay
Hinimok ang mga Bulakenyo na magdiwang ng payak na Pasko
HINIMOK ni Gob. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na yakapin ang isang payak na pagdiriwang ng Pasko ngayong taon bilang pagpapakita ng pakikiramay sa mga biktima ng kalamidad sa bansa, partikular na sa mga nasa rehiyon ng Visayas na higit na napinsala ng mga nagdaang lindol at bagyo. “Mapalad pa rin po tayo kasi baha lang ang nangyari sa atin. …
Read More »Killer ng barangay captain nalambat
NAHULOG sa kamay ng batas nitong Lunes, 1 Disyembre, ang isang lalaking itinuturong pangunahing suspek sa pagpaslang sa isang Kapitan ng barangay sa lalawigan ng Nueva Ecija. Maalalang binarily at napatay si Brgy. Captain Cezar Asuncion ng Brgy. San Isidro, Laur, 13 Hulyo, 2025, sakong 7:00 ng gabi, isang insidenteng yumanig sa komunidad at nagdulot ng pangamba sa mga residente. …
Read More »Batbat ng anomalya, DPWH Bulacan binalasa ni Dizon
INAYOS at muling nagtalaga ng mga posisyon sa loob ng Bulacan DPWH Office si Public Works Secretary Vince Dizon matapos masangkot ang mga opisyal nito sa mga nangyayaring anomalya sa flood control projects. Sa isang kautusang na inilabas ng Kalihim noong 26 Nobyembre, itinalaga ni Dizon si Kenneth Edward Fernando, dating Engineer III sa DPWH Central Office Construction Division, bilang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com