MATABIL
ni John Fontanilla
NAGDIWANG ng kanyang ika-18 kaarawan ang teen actor na si Max Pasion kamakailan.
Simple lang ang naging selebrasyon nito kasama ang mga kaibigan at pamilya.
Ayon kay Max, “Simple but memorable at punompuno ng pagmamahal ang
naging celebration ng birthday ko kasi kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko.
“Nagsalo-salo po kami (boodle fight), sa akin okey na po ‘yun, sobrang saya ko na po ng ganion.
“’Di naman po kailangan ng bonggang celebration, lalo’t mahirap ngayon ang buhay, basta kasama ang mga mahal sa buhay at kaibigan okey na ‘yun sa akin.”
Wish nito sa kanyang kaarawan ang magkaroon siya at ang kanyang pamilya ng good health at maging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.
” Wish ko po, ‘yung wish din ng marami para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya, ang magkaroon ng good health.
“Pangalawa para sa career ko, sana maging successful po ako at sana magkasunod-sunod ang mga proyekto kong gagawin ngayong taon sa tulong ni Lord.
“Pangatlo, wish ko na makatrabaho ang mga hinahangaan at iniidolo ko sa showbiz na sina Caprice (Cayetano) at Joshua (Garcia). “
Hindi naman nagmamadaling sumikat si Max, pagtatrabahuhan niya ito hangang makamit ang kasikatang pinapangarap.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com