Friday , June 19 2026
Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia may album sa Viva Records

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGRI-RELEASE ng bagong album si Patricia Javier under Viva Records.

Ani Patricia, taon ang ginugol niya para sa bagong album na may 12 original songs at may dalawang  espesyal na bonus track.

Naglalaman ang album ng mga kantang punompuno ng  hope, healing, gratitude, love, at inspiration,.

Busy si Patricia  sa promotion ng kanyang single na Imagine Me Without  You na kasama sa ilalabas niyang album ngayong taon.

Ang nasabing awitin ay alay niya sa Panginoon, “Siyempre unang-una ang awiting ito ay inaalay ko para sa Panginoon.

“If you have God in your life, you have everything.”

Naghintay si Patricia ng right timing para i-release ang 1st single at ngayong taon na ‘yun na susundan ng kanyang 12 track album.

Kuwento nga nito na bata pa siya ay pangarap na niya ang maging singer at artista.

Kasi pangarap ko noong bata pa ako na sana maging singer ako, sana maging artista ako.”

Pagpapatuloy nito, “There was a time kumakanta po ako ng ‘Wind Beneath My Wings,’ eh nasa puno ako ng santol ang sabi ko fly fly, tapos nalaglag ako kasi ‘yung sanga naputol,  tapos bumagsak ako sa lupa.

“Pero sabi ko tatayo ako, tatayo ako at someday, sabi ko makakakanta ako katulad nito sa harap ninyo.”  

Bukod sa pag-arte sa pelikula at telebisyon at pagtulong sa ating mga kababayan, pagtutuunan ng pansin ngayong taon ni Patricia ang pagkanta at paggawa ng magagandang awitin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …