Friday , July 18 2025
Bulacan

Mga lider ng Bulacan, nanumpa nang sama-sama, hudyat ng panibagong serbisyo-publiko

ISANG bagong kabanata para sa Bulacan ang nagsimula ngayon araw ng Linggo sa sabay-sabay na panunumpa sa tungkulin ng mga bago at muling nahalal na opisyal, sa pangunguna nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro, sa ginanap na “Pasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin ng Lahat ng Bagong Halal na Opisyal sa Lalawigan ng Bulacan”, dakong alas-9:00 ng umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Pinagunahan ni Executive Judge Hermenegildo C. Dumlao II ang panunumpa ng dalawang pinakamataas na opisyal habang si Fernando naman ang nangasiwa sa panunumpa ng mga mahuhusay na lider sa Bulacan na binubuo ng pitong kinatawan, 14 na bokal, 24 na punong bayan at lungsod, 24 na pangalawang punong bayan at lungsod at lahat ng mga konsehal ng mga bayan at lungsod sa buong Bulacan.

Ipinapamalas ng sabayang panunumpa na ito ang nagkakaisang pangakong pagtutulungan para sa kinabukasan ng lalawigan.

Sa kanyang ikatlong termino, ipinahayag ni Fernando ang kanyang positibong bisyon para sa paparating na tatlong taon, kung saan inaasahan niya ang makahulugang pag-unlad at progreso ng Bulacan at hinikayat ang kanyang mga kapwa opisyal na huwag balewalain ang tiwalang inilagay sa kanila ng kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng dedikadong serbisyo.

“Ipagpatuloy pa natin ang ating misyong paglingkuran at mahalin ang ating mga kapwa Bulakenyo, nang lahat tayo ay magtulungan para sa patuloy na pag-level up ng ating mahal na lalawigan,” ani Fernando na binibigyang diin ang magkatuwang na pananaw para sa pagsulong ng Bulacan.

Dekada na ang binilang ng karera ni Fernando sa paglilingkod bayan, na nagsimula bilang Chairman of the Barangay Youth Council (1981-1984), Bokal para sa Ikalawang Distrito ng Bulacan (2001), Bise Gobernador (2010-2019), at ngayo’y ang Ika-35 Gobernador ng Lalawigan simula 2019.

Kilala siya sa kanyang People’s Agenda 10, isang pangunahing programang patuloy na nagbibigay-pansin at nagpapakita ng kanyang debosyon sa pagsisilbi sa pamamagitan ng pag-una sa mga tao. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

BBM Bongbong Marcos BFP

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State …