PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na ang pinakamalaki, pinaka-komprehensibo, at pinaka-pinagkakatiwalaang pag-uulat ng halalan mula sa GMA Network.
Simula 4:00 a.m ngayong Lunes (Mayo 12), mapapanood na sa GMA at GTV ang eleksiyon coverage ng Kapuso Network. Pangungunahan nina GMA Integrated News pillars Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio, at Howie Severino ang paghahatid ng mga balita at update. Kasama rin nila sina Emil Sumangil, Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Kara David, Susan Enriquez, Connie Sison, Raffy Tima, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, Maki Pulido, at ang buong hanay ng mga GMA Integrated News reporter.
Buong-puwersa ang GMA sa Eleksyon 2025, mapa-telebisyon, radyo, at online kasama ang 60 election coverage partners, mahigit 800 on-air at online journalists at staff at crew, 7 GMA Regional TV stations, at 21 radio stations sa buong bansa.
Sa radyo, mapakikinggan ang Eleksyon 2025, Super Radyo DZBB Special Coverage simula hapon ng Linggo, Mayo 11, 6:00 p.m. ng Martes, Mayo 13.
Updated din ang Global Pinoys sa pamamagitan ng international channels na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV. Online, ang eleksyon2025.ph at dedicated digital platform ng network para sa komprehensibo at real-time na pag-uulat ng 2025 Philippine elections.