PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang biglang naging instant fan at supporter ni Erwan Heussaff dahil sa marespeto, matalino, at mas positibong pagpapakita nito ng love sa asawang si Anne Curtis.
Sa show ni Matteo Guidicelli sa Bilyonaryo News Channel ay naitanong ng asawa ni Sarah Geronimo kung hindi ba ito nagseselos o nagbabawal kay Anne na may maka-partner na ibang lalaki at gumagawa ng mga eksenang may intimate theme and scenes?
“I’m totally fine, no jealousy whatsoever. She was already doing it when we were not even dating yet.
“So, who am I to kind of tell her what to do or change who she is or anything like that? It’s like her asking me to stop cooking.”
Bongga ang naging reception ng mga tao kaya’t lahat ay nagkakaisa at nagsasabing napaka-swerte ni Anne sa pagkakaroon ng isang gaya ni Erwan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com