Thursday , June 11 2026
Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby Dominic Roque

Sue tita-nanay sa mga pamangkin

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PRANGKANG sinagot ni Sue Ramirez ang tanong tungkol sa kanyang kahandaan na maging isang ina in the future.

Yes, I’m ready na. Trentahin na rin po ako at matagal ko na rin pong napag-isipan iyan. Matagal na akong tita-nanay sa mga pamangkin ko,” sey ng magandang aktres sa mediacon ng latest movie project niyang Project Baby, under Regal Entertainment.

Tahasan ding sinagot ni Sue na if ever ay keri rin daw niyang gawin ang ginawa ng kanyang role sa movie na naghanap siya ng lalaking mag-fertilize at aanakan siya.

If and only if na talagang ‘yung pagkakaroon ng anak ang goal ko, then why not? Kahit walang asawa, o walang commitment ‘yung lalaking bubuntis sa akin, keri ko,” diretsang sagot ni Sue.

Pero sa totoong buhay na karelasyon niya ang guwapong aktor na si Dominic Roque, nakikita naman niyang magiging isang mabuti at responsableng “ama”ito.

That’s why kung nais ko nang mabuntis, dapat sigurong kumilos at gumalaw-galaw na ako,” ang natawa pa nitong sagot.

Ang Project Baby ay mapapanood na sa mga sinehan sa June 11. Isinulat ito ni direk Joey Reyes sa direksiyon ni Eric Quizon, na ang leading man ni Sue ay ang rock icon na si Rico Blanco.

Kasama nila sa movie sina Yasser Mata, Alex Calleja, Arra San Agustin, Matt Lozano, Charut, Kimson Tan, Christian Ty, Drei Arias, Jonathan Perez, Jazzil Sarinas, at ang napakaganda pa ring si Ms. Alice Dixon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABILni John Fontanilla KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa …

Alden Richards World Bicycle Day

Alden pinangunahan World Bicycle Day

RATED Rni Rommel Gonzales SOLID na fitness enthusiast talaga si Alden Richards! Kamakailan ay isa siya …

Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan

Sigaw ng mga kabataan: ‘nasaan ang Hydra’ 

MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng  Habang Nilalamon Ng …

Gary V BILIB

Gary V. dream makasama ng BILIB sa concert 

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makasama ng PPop Boygroup na Bilib kapag nagkaroon sila ng concert ay si Gary …

Kim Rodriguez

Sexy photo ni Kim sa Instagram patok 

MATABILni John Fontanilla PUMUKAW sa atensiyon ng mga kalalakihan ang Instagram post ni Kim Rodriguez na naka-checkered two peice. …