PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HINDI naman masisisi ng marami kung bakit ganoon na lang kung ipagtanggol ni Mariel Rodriguez ang kanyang asawa.
Sa latest podcast guesting nito sa show ni Sen. Imee Marcos, ipinaliwanag nitong nakikita niyang hindi pa magtatapos sa 2028 ang political career ng asawang si Sen. Robin Padilla.
“He still has so many advocacies, programs and groups of people to help. Marami pa siyang magagandang programa para sa mga Muslim at indigenous communities, the youth, and many others na umaasa sa kanya,” sey ni Mariel na dinededma na lang ang sobrang pambabatikos ng sambayanan sa kontrobersiyal na asawa.
Ipinagtanggol din ni Mariel ang pagiging generous to a fault ng asawa dahil wala nga raw itong pinipiling mga tao o grupo pagdating sa pagtulong at pag-attend sa causes ng mga ito.
At bilang asawa, nasasaktan man siya sa labis-labis na bashing sa kanila, “that’s the essence of democracy. Mayroon at lagi namang may nasasabi ang mga tao. All we need to do is accept it, continue do the good things and always look at the brighter side.” hirit pa ni Mariel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com