Dennis Trillo AC Aircon

Dennis Trillo viral sa pagbili ng aircon

MATABIL
ni John Fontanilla

VIRAL sa social media ang mga larawan ni Dennis Trillo habang bumibili ng aircon sa isang appliance center.

Sa kanyang Instagram ay nag-post ito ng mga larawan habang bumibili ng aircon na may caption na: “Sa sobrang init ’di na kinaya niyong aircon namin… Presko na naman sa bahay. Stay cool, mga boss!” 

Pinasalamatan ni Dennis ang mga staff ng appliances store  sa magandang pag-aasikaso sa kanya.

Habang pinusuan naman ng netizens ang post na ito ng Kapuso actor.