Wednesday , June 24 2026
Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong gesture nito para sa isang nagpasaklolong netizen.

Ang netizen ay tila naghahanap ng makakausap at nagtanong sa mga nakakabasa ng kanyang saloobin. 

Ayon sa isang post niya, “anyone na psychiatrist po? need ko po ng consultation kahit online. Pls?”

Sinagot naman ito ng batikang TV personality, “I DM’d you. Tight hug.”

Ayon pa sa post ng netizen na kalauna’y napag-alaman na isang babae ay halos desidido na siyang tapusin na ang kanyang buhay dahil sa pinagdaraanang mga problema. 

Post nito, “I was about to end my life tonight. Just in time my phone beeped. And it was @kuyakim_atienza message (emojis). Sobrang thank you Kuya. Grabeee, naiiyak ako now (emojis).”

Sa huli’y humingi ng kapatawaran ang netizen sa kanyang pamilya, boyfriend, at anak. Labis-labis din ang naging pasasalamat niya kay kuya Kim dahil sa nagawa nito sa kanya kahit sa pamamagitan lang ng online.

Lalo namang hinangaan si Kuya Kim dahil nag-offer ito ng follow-up sa expert in the field at inako na ang walong therapy session na pagdaraanan ng nagpasaklolong netizen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …