PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PUSH na push na ang pagpapakilala at pagharap sa media ng Block 1 STAR WORX artists ng TV5.
Mula sa dating MediaQuest Artist, Star Worx na ito ngayon under the helm of direk Johnny Manahanor Mr. M at ni Jeffrey Remigio, with still Mediaquest and TV5 top execs na sina Mr Ricky Vargas at Guido Zaballero.
Very promising ang mga newbie na nagpakitang gilas sa sayaw at kanta at wala ka talagang itatapon pagdating sa public speaking nila.
Considering na kay babata (karamihan ay nasa age bracket na 16-18), though 13 ang pinaka-bagets at 25 ang pinaka-kuya.
Pito ang mga lalaki namely, Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano, at Wayne Leonard.
Mayroon namang siyam na mga batang babae na sina Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin, at Steph Razon.
Lahat sila ay mapapanood sa future shows ng Kapatid network after nilang mag-train rigorously kina Mr, M, direk Rahyan Carlos at iba pang kasama sa team ni Mr. M simula nang maging mga star builder sila ng showbiz.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com