PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang naaawa kay Bea Alonzo sa mga naglalabasang items na may kinalaman sa urong-sulong niyang pagpapakasal kay Vincent Co.
Bukod kasi sa mga balitang marami ng dear friends ng aktres ang nagkansela ng kanilang booking flights to Spain to witness her said wedding, ay mga tsismis din hinggil sa mga rason kung bakit tila mukhang hindi na naman matutuloy ang kasal nito.
Siyempre ang makabuluhang “prenup” items ang laman ng mga tsikahan sa showbiz at socmed world.
Nakalagay umano sa naturang prenup na ipinahabol na items ng parents ni Vincent ay nagsasaad na sakaling maghiwalay ang mag-asawa at may mga anak, mapupunta raw ang custody ng mga bata sa lalaki.
Ito raw yata ang pinaka-dahilan kung bakit nag-aatubili na ngayong magpakasal ang sikat at magandang aktres.
Nauna na riyan, may mga tsismis na kasama sa prenup ang item na dapat ay manirahan sina Vince at Bea sa tahanan ng pamilya ng lalaki at ang hindi pagkakaroon ng anumang papel ni Bea sa mga negosyo at itatayong negosyo ni Vincent sakaling makasal sila.
Nakakaloka pero para sa mga nagmamahal sa aktres, luging-lugi raw si Bea sa arrangement if ever na totoo ang sinasabing naka-stipulate sa prenup.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com