Wednesday , June 24 2026
Blue Dreamers PH

Blue Dreamers PH ‘di lang sa pagkanta isasabak, gagawa rin movie at variety show 

MATABIL
ni John Fontanilla

PANG-INTERNATIONAL ang dating ng grupong Blue Dreamers PH pagdating sa looks, husay sa pagkanta, at perforformance.

Ang Blue Dreamers PH ay isang talent seach na nagsimula noong isang taon (June 2025), mula sa ilang libong kabataan na nag-audition na nagmula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Down to hundreds naging 20 to 15 hanggang naging 10 at nabuo ang tinawag nilang lucky eight na sumailalim sa matinding training at sa final ay limang kabataan lang ang umangat at napiling maging miyembro ng Blue Dreamers PH.

At sila ay sina Jarred Salvador na taga-Makati, Zhian Mendoza mula Mindoro, Shayne Monreal mula Albay, at ang kambal na sina Jairex Tan at Xanxan Tan mula naman Zamboanga del Sur.

Sabay ng pagpapakilala ng limang miyembro ng Blue Dreamers PH ang launching ng kanilang self-titled album na ang carier single ay LowKey Tayo na mula sa komposisyon ni MJ Gutierez 

at idi-distribute ng Artist Central Music. 

Ang ilang songs pa sa kanilang album ang Dance Tayo at 912 Hours Journey.

Ayon kay Madam MJ at coach Zenly Diansuy marami silang magagandang plano sa Blue Dreamers PH. Bukod sa kanilang album ay gagawa rin sila ng pelikula at variety show na magisisimula sa June 2026.

Sa ngayon ay abala ang grupo sa paglibot sa iba’t ibang TV shows, radio programs, mall shows, at online shows para i-promote ang kanilang album.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …