Tuesday , June 23 2026
Marthena Jickain Rahil Gatali Carmela Lorzano Keisha Serna Nico Matugas Patrick Ballesteros Spencer Capistrano

6 sa 16 Star Worx hinuhulaang sisikat

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA 16 na inilunsad ng STAR WORX ng TV5 under Mr. M (Johnny Manahan), may mga prediction na madaling magkakapangalan at sisikat. Ito ay sjna Marthena Jickain, Rahil Gatali Carmela Lorzano, at Keisha Serna sa mga babae at sina Nico Matugas, Patrick Ballesteros, at Spencer Capistrano sa mga lalaki naman.

Promising naman ang lahat ng 16 dahil salang-sala na sila mula sa audition at training ayon sa mga nagkaroon na ng early encounter sa mga ito, subalit tila angat ang karisma ng mga nabanggit.

Pinagkaguluhan ang napakagandang anak ni QC Councilor Aiko Melendez na si Marthena, 19, 5’6″, at second year student sa Ateneo de Manila University sa kursong AB Development Studies.

Malaki naman ang pagkakahawig ng stunner ding si Rahil sa mga beauty queen na sina Rabiya Mateo at Ms. World Megan Young, kaya’t marami ang nagkukumbinsi ritong pasukin din ang pageantry soon. Siya’y 14 years old lamang at may pam-beauty queen ding height na 5’7″. Grade 7 siya sa Dumangas National High School.

Bet naman ng marami na magiging kilalang singer si Carmela, 17, 5’1″, Grade 11.

Tila galing naman sa angkan ng mga artista si Keisha, 18, 5’9″ kaya bagay maging model at beauty queen. SHS graduate siya sa Frames of Mind School sa Rodriguez, Rizal.

Nagtapos naman ng AB Communication sa Ateneo de Manila University si Nico, 20, 5’8″. Isa siyang football player at content creator, bukod pa sa pagiging basketbolista, boxer, at hilig sa gym training.

Interests naman ni Patrick ang billiards, motorcycles, football at iba pang sports bukod sa skills niya sa acting, singing, dancing and hosting. Very promising din ang pagkakaroon niya ng well-modulated voice na hinangaan ng media. Siya’y 18 years old at may taas na 5’10”.

Although 25 years old na si Spencer, 5’8″, markado na rin siya bilang isang kilalang versatile actor, model, at dancer bukod sa pagiging runner, basketball, at badminton player, at isang culinary artist. Nagtapos siya ng kursong BS Psychology sa University of Makati. 

Ang apat pang Block 1 members ng STAR WORX ay sina Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, atWayne Leonard, habang ang mga babae ay kinabibilangan nina Celyn David, Kaitlyn King, Nathalie Apollo, Selina Griffin, at Steph Razon.

Aabangan natin sila soon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …