SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PINANININDIGAN at umaasa si Direk Darryl Yap na maipalalabas pa rin sa mga sinehan ang kuwento ng The Rapists of Pepsi Paloma sa tamang panahon.
Ito ang naibahagi sa amin ng kontrobersiyal na direktor nang makausap kamakailan para sa pelikulang Love, Ngo ng Viva Entertainment na pinagbibidahan ni Jerald Napoles.
Hindi nga natitinag ang kasong cyberlibel na isinampa ni Bossing Vic Sotto laban kay direk Darryl na nag-ugat dahil sa inilabas na teaser trailer ng kanyang pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma na pinagbibidahan ni Rhed Bustamante.
Sa teaser diretsahang nabanggit ang pangalan ni Vic.
Kinasuhan si direk Darryl ng two counts of cyberlibel ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office base sa inilabas na resolusyon noong March 17.
Pagbabahagi ni direk Darryl nang kumustahin namin ang kaso, tuloy pa rin ang pagdinig.
“To be very honest, medyo personal din kasi siya, kasi ‘yung mga boss natin sa Viva are friends with those people,” sambit ng direktor.
Diretsahan nitong sinabi na hindi naman naaapektuhan ang kanyang trabaho ng demanda. Apektado lang sya sa layo.
“I can’t say naman na affected career-wise, because all of my works naman have contracts, eh. Whether I want to get out of bed or I have to go to work. So, hindi naman po apektado.
“‘Yun nga lang, I’m from Mandaluyong going to…so, abala siya,” anang direktor.
Nang tanungin kung may posibilidad na magkaroon ng amicable settlement? Tugon ng filmmaker, “Well, at the beginning of the chaos naman, I think it’s a requirement for every court to seek possible settlement.
“But I leave it to my, lawyer, to Atty. (Raymund) Fortun kung ano ang nakikita niyang magandang kahihinatnan. But he’s (Vic) pursuing, eh,” sabi pa.
Umaasa ang filmmaker na maipalalabas pa rin ang The Rapists of Pepsi Paloma.
“I want to show my film to the Filipino people. I don’t think I’ll be persuaded to keep it hidden. Hindi ko alam kung anong magiging terms if ever my ganyan (settlement). Basta gusto kong maipalabas ang pelikula namin,” wika pa ng filmmaker.
Pinanindigan din niya na hindi siya kailangang magputol o magtanggal ng anumang eksena.
“My film is the extension of my humanity and my values.
“If I delete certain portions just because hindi na convenient sa akin it will speak about my character. So I don’t think I am bound to delete anything,” giit ni Darryl.
Sinabi pa ni direk Darryl na wala siya sa posisyon para maglagay ng kondisyones o magbawas ng mga controversial scenes, “I don’t think I’m in a position to put conditions or anything.
“Hindi naman po ako ang nagdemanda, so, palagay ko if we sit down…we haven’t sit down, eh. Parang after the demanda and all it’s been one year na, eh.
So I’m just trying to…wala, wala pa akong naiisip na ganyan,” anang direktor.
At kung ito ang hinging kondisyon ng kampo ni Vic, sagot ni Darryl, “Like what I said, if magkakaganyan man, parang…I really wanna show the nation na film.
“I don’t want to edit anything just because I feel the inconvenience, naabala and all, ayoko po na…I’m only 39 and sooner or later kapag nag-look back ako tapos mayroon akong mga bagay na hindi pinanindigan, I don’t want to grow old with regrets. So, I want to fight for the film,” giit pa ni direk Darryl.
Sa kabilang banda, inamin din ni Darryl na napagtanto niya ngayon ang halaga ng gabay na ibinibigay sa kanya ng Viva Chairman Vic del Rosario.
“Bago pa man nangyari ito (demandahan) napaka-ama niya sa pagbibigay sa akin ng payo at pagsasabi sa akin on hoe yo best approach certain things I wanted to film.
“But the rascal in me wouldn’t listen,” nangingiting pagbabahagi pa ni direk Darryl.
“If there’s one thing I learned from this, it’s that I should listen and take heed, lalo na kung si Boss Vic and magbibigay ng advice,” sabi pa.
Samantala, tiyak pag-uusapan na naman ang bagong pelikulang idinirehe niya, ang Love, Ngo na mapapanood sa June 3 na pinagbibidahan ni Jerald Napoles.
Kombinasyon ang pelikula ng drama at komedya.
Umiikot ang kwento sa isang lalaki na may cleft lip and palate (ngongo) habang hinahanap ang pag-ibig, pagtanggap, at sariling halaga sa mundong mapanghusga.
Kasama rin sa pelikula sina Gina Alakar, Candy Pangilinan, Malupiton, Sir Jack at marami pang iba.
Ang Love, Ngo ay maaari ring makatawag ng pansin sa pagtalakay sa kuwento ng isang lalaking may lamat na labi.
“Actually, mayroon nang mga bumubulong-bulong dito at doon, pero sana medyo mabawasan ‘yung worries nila knowing na kasama ko talaga sa cast ‘yung mga taong may cleft lip, at natuwa sila sa script ko,” giit pa ni Darryl.
Kinilala rin ni Darryl ang mga hamon ng pagbabalanse ng kanyang signature humor sa pagbabago ng klima ng lipunan ngayon.
“I’m trying, but I can’t be too ‘woke.’ I will lose my voice as a creative. I grew up in a time when comedy was about poking fun at anything and everything. But I’m really trying to, somehow, find a balance,”sabi pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com