Tuesday , April 22 2025
Arrest Shabu

Drug den sinalakay. 5 timbog sa tsongki

ARESTADO ang limang indibidwal na huli sa aktong humihithit ng hinihinalang marijuana nang salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales, nitong Sabado, 12 Abril.

Ayon sa PDEA Zambales Provincial Officer, sinalakay nila ang pinaniniwalaang drug den dakong 3:34 ng madaling araw kamakalawa kung saan nila nasakote ang target ng operasyon na kinilalang si alyas Drey, 34 anyos.

Nadakip din sa operasyon ang apat pang mga suspek na kinilalang sina alyas Ar-Ar, 43 anyos; alyas Ney, 35 anyos; alyas Tonio, 25 anyos; at alyas Kel, 29 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000; iba’t ibang drug paraphernalia, at buybust money.

Kasama ng PDEA sa operasyon ang mga operatiba ng Subic Police Station, Zambales PPO Drug Enforcement Unit, at Naval Intelligence Security Group-Northern Luzon (AFP).

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …