Tuesday , April 22 2025
No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng nationwide gun ban na kasalukuyang ipinapatupad sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Una rito, dakong alas-2:40 ng hapon ng Abril 8,  ay inaksyunan ng mga tauhan ng San Simon Municipal Police Station ang ulat mula sa isang concerned citizen na kinilalang si “Mark,” isang 39-anyos na driver at residente ng Barangay San Agustin.

Iniulat ni “Mark” na isang silver na Toyota Innova ang kahina-hinalang sumusunod sa kanyang sasakyan sa pagitan ng San Simon at Valenzuela City sa nakalipas na limang araw.

Ang parehong sasakyan ay nakita rin malapit sa Global Aseana Business Park 1 sa Barangay San Isidro, San Simon.

Sa agarang pag-aksiyon, naispatan ng mga rumespondeng operatiba ang sasakyan sa isang gasoline station.

Habang papalapit at nagpakilalang mga awtoridad, bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at nagtangkang tumakas.

Napilitan ang mga pulis na barilin ang gulong ng sasakyan upang maiwasan ang pagtakas ng mga suspek.

Sa kabila nito, panandaliang nakaiwas ang mga suspek sa pagdakip ngunit kalaunan ay naharang at nahuli sa kahabaan ng Quezon Road sa Barangay San Isidro.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg ang isa sa mga suspek mula sa suspected stray bullet at agad na dinala sa malapit na ospital para sa medikal na atensiyon.

Nasamsam mula sa mga suspek ang mga sumusunod: Isang Glock 17 (9mm) pistol na may serial number AFP034202, may magazine at 2 basyo ng bala; Isang Armscor RIA (Cal. 45) pistol na may serial number 037124AFP, may magazine at 7 rounds ng bala; Isang kulay pilak na Toyota Innova; Apat na wallet; tatlong bag; Apat na Kenwood two-way radio; Isang Nikon video camera; Isang Teclast power bank; apat na lisensya sa pagmamaneho; Apat na AFP ID; dalawang Glock 17 magazine na may 2 rounds ng bala; at, tatlong RIA Cal. 45 magazine na may kabuuang 22 rounds ng bala

Pinuri ni Police Regional Office 3 Director, PBGeneral Jean Fajardo, ang mabilis at mapagpasyang aksyon ng San Simon Municipal Police Station at muling pinagtibay ang zero-tolerance na paninindigan ng PNP laban sa mga paglabag sa election-related gun ban.

Ayon sa imbestigasyon, nasa misyon ang mga sundalo ngunit sinabi ni P/B General Fajardo na walang koordinasyon ang mga ito sa pulisya.

Kaugnay nito ay patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pakay ng mga suspek sa pagsunod-sunod kay “Mark”. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …