Friday , April 25 2025
Arrest Shabu

Tandem sa pagtutulak ng droga
Mag-utol, kasabwat tiklo sa buybust

ARESTADO ang dalawang lalaking magkapatid at kanilang kasabwat na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa loob ng pinaniniwalaang drug den kasunod ng ikinasang buybust operation sa Brgy. Dau, lungsod ng Mabalacat, lalawian ng Pampanga, nitong Martes, 8 Abril.

Kinilala ang magkapatid suspek na sina alyas Jess, 37 anyos; alyas Ren, 36 anyos; at kanilang kasabwat na si Tin-Tin, 25 anyos.

Narekober ng mga awtoridad ang kabuuang tatlong pirasong transparent plastic sachet ng pitong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P47,600; iba’t ibang drug paraphernalia; isang smart phone; at buybust money.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang elemento ng PDEA RO 3 Special Enforcement Team (RSET), PDEA Pampanga Provincial Office at Pampanga PPO-Drug Enforcement Unit.

Pansamantalang nakapiit ang mga naarestong suspek sa PDEA RO3 Jail Facility at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …