Wednesday , December 11 2024
Chito Miranda Neri Naig

Chito dinepensahan si Neri: Never siyang nanloko at nanlamang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IPINAGTANGGOL ni Chito Mirandaang asawang si Neri Miranda laban sa mga ibinabatong akusasyon dito.

Kaugnay ito ng balitang pagkaaresto sa dating aktres dahil sa patong-patong na kaso. Ito ay ang 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.

Kahapon, Miyerkoles, November 27, sa pamamagitan ng social media, nag-post ang lead singer ng Parokya ni Edgar ng paglilinaw at pagtatanggol sa asawa at iginiit na walang nilokong tao si Neri. Naging sobrang matulungin lamang daw ang kanyang asawa.

Ani Chito, “Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.

“Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya. Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.”

Wala rin daw kasalanan ang kanyang asawa at isa lang iyong endorser. Ginamit daw ang mukha ni Neri para makalikom ng investors.

Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima.

Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.”

Iginiit ni Chito na wala silang natanggap na kahit na anong dokumento tungkol sa criminal complaint laban sa kanyang asawa.

Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso) Anyway, dinampot na lang sya bigla. (Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)

Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.”

Wika pa ni Chito, “Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.

Kalakip ng post ni Chito ang larawan ni Neri na namamahagi ng food packs sa ilang kabataan.

“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”

Ibinahagi rin sa post ni Chito ang sulat ni Chanda para kay Neri. Sa sulat nagpaabot ng paghingi ng tawad ang kompanya kay Neri, na na-drag sa company’s “inability to distribute shares” sa mga investor.

Samantala, isinapubliko na ng Southern Police District (SPD) ang video ng ginawa nilang pag-aresto kay “Alyas Erin” o “Alyas Neri.

Naganap ang police operation sa isang mall sa Pasay City noong November 23, Sabado.

Ipinakita sa video ang pagbasa ng babaeng pulis sa inaaresto ng Miranda Rights, ang doktrina na binabasa o sinasabi sa taong inaaresto hinggil sa kanyang human rights.

Narito po ako para po ipaalam at ihain po sa inyo ang warrant of arrest na in-issue ni Judge Gina Bibat Palamos ng Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City.

“Ito pong warrant niyo po ay para sa 14 counts under po siya Section 28 of R.A. 8799, on the Securities Regulation Code.

“Kayo po ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo, anuman po ang iyong sasabihin ay maaring gamiting pabor o laban po sa inyo.

“Kayo rin po ay may karapatan sa abogado, kung may kakayahan po kayo, may karapatan po kayong kumuha at pumili ng sarili po ninyong abogado, at kung wala po kayong kakayahan, bibigyan po kayo ng gobyerno.”

Bago ito’y  isang post mula sa SPD Facebook account noong November 26, ang pag-aresto ng kanilang mga operatiba sa isang actress-businesswoman.

Hindi nila iyon direktang pinangalanan na itinago lamang sa “Alias Erin” (sa una nilang post ang nakalagay ay Alias Neri).

A manhunt operation led by personnel of Sub-Station 10 Pasay City Police in coordination with Warrant and Subpoena Section, resulted in the arrest of alias Erin, a 41-year-old actress and businesswoman, at a basement convention center located in a mall in Pasay City on Saturday (November 23) at 2:50 PM.

“The accused, who is listed as Rank #7 (Station Level) for November 2024, was apprehended after a warrant of arrest was served for 14 counts of violation of Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), docketed under Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR to R-PSY-24-01654-CR and R-PSY-24-01829-CR to R-PSY-24-01840-CR issued by Hon. Gina Bibat Palamos, Acting Presiding Judge of the Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City, on September 18, 2024, and October 16, 2024.

“Bail was set at P126,000.00 for each of the counts; and Estafa under Article 315 Par 2(a) in relation to PD 1689 (Syndicated Estafa) docketed under Criminal Case No. R-PSY-24-01652-CR issued by Hon. Ronald August L. Tan, Acting Presiding Judge of RTC Branch 112, Pasay City dated September 17, 2024, with no stated bail.

“A commitment order has already been issued by the court,” ang nakasaad pa sa FB post.

Samantala, sa ulat ng ABS-CBN, pinangalanan na nila ang aktres at negosyanteng si Neri Naig, base umano sa kanilang “multiple sources.”

Actress and businesswoman Neri Naig was arrested for alleged estafa and violation of the Securities Regulation Code, multiple sources confirmed to ABS-CBN News on Wednesday,” sabi sa ulat.

Nauna namang ibinalita ni Ogie Diaz noong November 24, sa kanyang YouTube vlog ang tungkol sa umano’y pagkaaresto kay Neri.

Ani Ogie, “May nagpasa lang ng impormasyon na ito sa amin na last November 23 ay inaresto ng Pasay City Police sa kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na the securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission ang aktres at tinaguriang ‘Wais na Misis’ na si Neri Naig Miranda.

“‘Di pa malinaw kung anong eksakto ang dahilan at kung sino ang mga nagrereklamo. Kung totoo man ito ay mas magandang mapakinggan din ang panig ni Neri.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Direk Richard niyukuan, niluhuran ng isang int’l journalist nang mapanood ang Topakk

MATABILni John Fontanilla DALAWA ang naging rating ng kaabang-abang na pelikula sa 50th Metro Manila Film …

Angelica Hart Vivamax VMX Candy Veloso

Angelica Hart gusto ring makagawa ng drama

RATED Rni Rommel Gonzales PINAGHANDAAN ni Angelica Hart ang pagpasok sa VMX. Aniya, “Actually, bago po ako pumasok …

Bituin Escalante Isang Himala Aicelle Santos

Bituin Escalante na-excite, na-challenge sa Isang Himala

NAGIGING aktibong muli ang mga datihang artists na tulad nina Ella May Saison, ang Orient Pearl, at …

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Direk Chito muling makikita bagsik bilang Master Horror Director

I-FLEXni Jun Nardo PINAKAMAGASTOS na horror movie na ginawa ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang Espantaho. Ito rin …

SPEEd Christmas Party

SPEEd magdo-donate sa mga nasalanta ng kalamidad 

MAKULAY at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ngayong taon na dinaluhan …