Wednesday , October 9 2024
PNP PRO3

Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye

SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal na droga, nadakip ang mga pinaniniwalaang notoryus na tulak, kabilang ang high-value at street-level individual, sa serye ng mga buybust operation na isinagawa sa Nueva Ecija at Bulacan hanggang nitong Biyernes, 6 Setyembre.

Dakong 12:10 am nitong Biyernes nang nagkasa ng buybust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Gapan CPS sa Brgy. Mangino, Gapan, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si alyas Noel, 44 anyos, isang high-value individual kasama ang kanyang kasabuwat na si alyas White, 43 anyos.

Nasamsam mula sa dalawang suspek ang 57 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P387,600; isang G3C 9MM Pistol/Taurus na may serial number ACE859496; at isang magasin na kargado ng tatlong bala.

Kasunod nito, nadakip ng mga operatiba ng SDEU mula sa Bocaue MPS ang apat na suspek sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan dakong 3:10 am.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Larry, 42 anyos; alyas Balat, 45 anyos; alyas Dek, 39 anyos; at alyas Manny, 49 anyos, na nakompiskahan ng 45 gramo hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P306,000.

Samantala, nitong Huwebes, 5 Setyembre, nasakote ng mga tauhan ng SDEU ng Malolos CPS dakong 10:30 pm ang suspek na kinilalang si alyas Zaldo, 40 anyos, nakatalang high-value individual, sa Brgy. Anilao, Malolos, Bulacan.

Narekober mula sa posesyon ng suspek ang may 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Gayondin dakong 9:00 pm ng parehong petsa, nagsagawa ng anti-illegal drug buybust operation ang mga operatiba ng SDEU ng Marilao MPS sa Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan, na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si alyas Enteng, 24 anyos.

Nakompiska mula sa suspek ang 30 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000; at ang isang caliber .38 revolver.

Kaugnay ng mga sunod-sunod na pag-aresto, ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., na nananatili silang matatag sa kanilang pangako sa walang humpay na pagtugis sa mga indibiduwal na sangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga at nanawagan sa publiko na patuloy na suportahan ang kanilang kampanya upang matiyak ang mas ligtas na mga komunidad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Pablo Virgilio David Pope Francis

Pinoy Bishop itinalagang Cardinal ni Pope Francis

ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal. Tinukoy …

Krystall Herbal Oil

Skin flakes sa anit tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …