Thursday , January 16 2025
Imee Marcos Young Creative Challenge YC2

Sen Imee sa YC2: makadidiskubre ng magagaling na direktor, manunulat etc. 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAHIGIT 400 artists mula Luzon, Visayas, Mindanao pala ang sumali sa inorganisang patimpalak ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinangunahan at sinuportahan ni Sen. Imee Marcos at ng Philippine Creative Industry Development Act (PCIDA), ang Young Creative Challenge (YC2).

Ang YC2 ay isang kompetisyon na nagso-showcase ng creativity ng mga kabataang Pinoy. Ginawa ito para makapag-inspire, makilala, at maipakita ang talentong Pinoy sa songwriting, screenwriting, playwriting, graphic novel, animation, game development, at online content creation.

At pagkaraan ng anim na buwan simula nang ito’y ilunsad, isinagawa ang awarding noong March 21, Huwebes sa Samsung Hall, SM aura Premier, Bonifacio Global City, Taguig. 

At dahil sa dami ng mga sumali, maituturing na matagumpay ang patimpalak. Kaya nga nasabi ni Sen. Imee, positibo siyang makadidiskubre sila ng maraming talento sa patimpalak tulad ng kung paano sila nakadiskubre non ng mga talent sa isinagawang Metro Manila Popular Music Festival, o mas kilala sa tawag na Metropop.

Ipinagmalaki ni Sen Imee kung paano sila nakadiskubre ng magagaling na direktor, manunulat sa isinagawang Experimental Cinema of the Philippines noong ‘80s na pinagmulan ng matatawag nang classic films tulad ng Himala, Oro, Plata, Mata.

Kaya ang YC2 program ang magiging daan din sa pagdiskubre pa ng mas marami pang talented Filipinos at hahasa sa galing ng mga ito, sabi pa ng senadora. 

Nag-uwi ng P1-M ang itinanghal na grand prize winner sa bawat category, P300K naman sa Second runner-up winners, at ang First runner-up winners ay nakatanggap ng P500K.

Narito ang mga nagsipagwagi sa bawat kategorya: SONGWRITING —Grand Winner – “Lambing” by Rocky, Second Place – “Dalawang Guhit” by Burn Piamonte; SCREENWRITING—Short film category grand winner – “Fishing the Moon Out of Water,” John Peter Chua,  Second Place – “Angela and her Dying Lola,” Mark Terence Molave; Full-Length Film Category grand winner – “Bugkos: End of Childhood,” Breech Asher Harani,  Second Place – “Hail, Winston!” Gio Gonzalves; PLAYWRITING—

GRAND WINNER – “Ang Pagbuo ng Baliana,” ESMERALDA ALBIS, Second Place – “Siopao” ANGEL SALVADOR CHIUTEÑA; 

GRAPHIC NOVEL MAKING—GRAND WINNER – “The Girl and the Tamaraw” by AJRAVII, Second Place – “Wari Wari” by NUNO; ANIMATION—GRAND WINNER – “Ang Kampanilya” by MEEPRODUCTION, Second Place – “Drop of Love” by RANDOLPH GO; GAME DEVELOPMENT—GRAND WINNER – “High Times” by YYM DANNI, Second Place – “Craggenrock” by ARDEIMON;ONLINE CONTENT CREATION—GRAND WINNER – Rose Ann Factolerin Espina,Second Place – Nicole Keith Merilo, Rubenich Abuda Reyes.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diane de Mesa

Bagong single ni Diane de Mesa na ‘Di Pa Huli,’ out na sa Jan 23 sa lahat ng digital platforms

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY bagong single ang US based Pinay nurse at singer na si Diane de Mesa. Pinamagatang …

Love Sessionistas A Pre-Valentine Concert

Sessionistas’ concert sold out, nagdagdag ng isang gabi

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MABILIS na nag-sold out ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert sa February …

Vic Sotto Sante

Vic Sotto apektado ng mga intriga; sanib-puwersa sa Sante para sa malusog na pamumuhay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio THANKFUL si Bossing Vic Sotto na marami ang nagtitiwala sa kanya hanggang …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

JulieVer ile-level up ang relasyon

MA at PAni Rommel Placente SIGURADO na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na ang isa’t isa na …

Aga Muhlach Charlene Gonzales Andres Atasha

Aga madalas ipaalala sa mga anak — Always be the kindest person 

MA at PAni Rommel Placente NGAYONG pareho nang nasa mundo ng showbiz ang dalawang anak …